CHAPTER 26

13 5 3
                                    

[Aestherielle's POV]

"A-Aestherielle? I just want to say thank you for saving me and for not leaving me last Tuesday when we were at the cliff. "

May one day kaming pahinga after ng camping namin at ngayon resume ang class namin.

Katatapos lang ng second subject namin at lumapit agad si Athaliah sa'kin. I can hear sincerity in her voice.

"Gusto ko ring magpasalamat sa'yo Athaliah kasi tinulungan mo rin ako ng muntik na akong mahulog. "

Hindi ko pala pinaalam sa parents ko ang nangyari. Ayaw ko talaga na mag-alala sila.

"Walang anuman iyon. So? Friends? "

Gulat na tumingin ako sa kaniya.

"R-Really? "

"Yes, don't worry..."

Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.

"Hindi ko aagawin si Khirro sa'yo. "

Kinindatan niya ako pagkatapos ay nilahad ang kanang kamay.

Tulalang tinanggap ko ito at nakipagkamay sa kaniya nang hindi namamalayan.

Umalis lang siya sa harapan ko ng dumating na ang teacher namin.

Ganun lang kadali sa kaniya ang magparaya?

Nasa kalagitnaan kami ng klase nang biglang may kumatok ng tatlong beses sa pinto ng room kaya natigil ang discussion ni Sir Maximus. Lumapit siya sa pinto at binuksan ito. May kinausap siya sa labas at maya-maya ay dinungaw kami ni sir.

"Ms. Caled? May gustong kumausap sa'yo. "

Nasa akin na ngayon ang lahat ng atensiyon nila.

"Sino po sir? "

Sinenyasan ni sir na pumasok ang kausap niya at rinig ko ang singhapan ng mga kaklase ko nang pumasok ang lalaking naka-black polo at may hawak na isang bouquet ng sunflower. Nakakasilaw ang kaguwapuhan nito at may black aviator pang nakasabit sa polo nito.

Nilibot nito ang tingin at nang makita niya ako ay bigla siyang ngumiti. Naka-full show ngayon ang braces niya at pati mata niya nakikisabay sa ganda ng ngiti niya.

"Hey Mr. Sunflower? What's your name? " Ava

"Anong kailangan mo sa Aestherielle namin? " Waffle

Napakamot muna ito sa batok bago sumagot.

"Totoo nga ang narinig ko tungkol sa mga kaibigan mo. "

Napahawak ako sa noo nang marinig ko ang slang niyang pananalita. Parang hindi sanay sa wikang Filipino.

"Straight to the point, mister. " Anne





"Well, without making this far. You can call me #futuremo and I am here to apologize to Aestherielle for not showing myself. Aestherielle? Can I talk to you? Just the two of us? "

Tiningnan ko ang mga kaibigan ko asking for their confirmation at pumayag naman sila pati na si sir.

Malakas pa rin ang tilian ng mga kaklase ko dahil sa wakas nakilala na nila si #futuremo. May nakita pa akong nagvi-video.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon