CHAPTER 13

22 6 13
                                    

[Aestherielle's POV]

Kanina pa ako pabalik-balik sa harap ng clinic at alam kong nawe-weirduhan na ang mga estudyanyeng nakakakita sa'kin.

Hawak-hawak ko pa rin ang bouquet at nakakapanghinayang namang itapon. Dadalhin ko na lang 'to sa bahay kasi paniguradong ididisplay to ni mommy at gigisahin na naman ako ni Ace at Healle ng tanong.

Bumukas ang pinto ng clinic kaya medyo nataranta ako. Lumabas ang school nurse.

"Kanina ka pa dito miss? "

She's so beautiful. For sure dalaga pa siya. Nakita ko ang 'Cola Anderson' sa nameplate niya.

"A-Ah, hindi naman po nurse Cola. May titingnan lang po sana akong k-kaibigan sa loob. "

"May isang pasyente lang ako sa loob. Siguro siya ang hinahanap mo. You can check on him, babalik lang ako. Actually pwede na siyang lumabas. Napainom ko na rin siya ng gamot ang all he need is to take a rest so he can gain strength. I need to go now. "

"Thank you nurse Cola. "

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa clinic. I tried my best na hindi makagawa ng ingay ang bawat hakbang ko.

Nasa pangatlong hospital bed na ako nang may nakita akong nakahiga.

Lumapit ako ng makompirma kong siya. Inilagay ko sa bedside table ang bouquet at umupo sa gilid ng higaan ni Khirro.

Nakapikit siya kaya malaya ko siyang napagmasdan. Mahaba pala pilikmata niya at makapal ang kilay. Medyo namumula ang pisngi niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na damhin ang noo niya.

Medyo mainit nga siya. Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinahaplos ang malambot niyang buhok.

"W-What are you doing here? "

Mabilis na inalis ko ang kamay ko nang bigla siyang nagsalita. Mulat na ang namumungay niyang nga mata.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? "

Inalalayan ko siya ng sinubukan niyang bumangon.

"I'm okay. Uwian na. Why are you still here?"

Bakit nga ba ako nandito?


"I-I'm worried. "

Nagbaba ako ng tingin kasi ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.

"Gumagabi na. You can go home first. "

"Sabay na tayo. Sabi ni nurse Cola pwede ka nang umuwi. "

Salamat naman at hindi na siya umangal pa. Pagkababa niya ng higaan agad na pinalibot ko ang kanang braso ko sa bewang niya. Muntik na kasi siyang mabuwal dahil nanghihina pa ang katawan niya.

"I can walk alone. "

Patagong sumimangot ako. May lagnat na nga suplado pa rin. Sarap mahalin este! Sarap kutusan. Inabot ko ng bouquet at rinig ko pa ang pag 'tss! ' niya.

Nakaakbay siya sa'kin kaya ramdam ko ang init na sumisingaw sa katawan niya.

Alas sais na pala ng gabi at paniguradong hinahanap na ako sa bahay. Lowbat pa naman ang cellphone ko kaya 'di ko ma-chat si mommy.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now