CHAPTER 12

25 8 8
                                    

[Aestherielle's POV]

"Ikaw ba talaga nag-bake nito insan? "

Limang cupcake na ang naubos ni Healle at panlimang beses na tanong niya na rin 'yan.

"Hindi ba kapani-paniwala na marunong na akong mag-bake? Ako nga gumawa niyan. Nagpatulong ako kay mommy. "

"She's telling the truth, Healle. "

Kakapasok lang nu mommy sa backdoor ng kitchen namin at may dala siyang tatlong tangkay ng red rose. Sa likod kasi ng kitchen namin ang garden. Ilalagay niya naman for sure sa vase na nasa mesa.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala tita kasi diba you won't let her enter the kitchen kasi explosion might happen? "

I rolled my eyes. They're talking as if I'm not here.

"When you're eager to learn then you can really learn. "

Nagthumbs-up ako kay mommy.

Bigla akong nakaramdam ng ilang sa titig ni Healle.

"You're blooming. Are you in love? "

Nanigas ako sa kinauupuan at hindi makapagsalita.

"See? I'm not the only one who can notice. "

Napayuko na lang ako sa sinabi ni mommy.

"So you're really in love? Who's the maswerte guy? "

Napaangat ako ng tingin nang padaboh na binagsak ni Ace ang dalang grocery bag sa mesa. Nakabusangot na rin siya at salubong na ang kilay. Uh-oh! Daddy mode.

"Kanino ka in love ate? "

Kapag ganitong seryoso siya hindi mo talaga magagawang iwasan ang tingin niya.

"W-Wala. Walang in love. N-Namingi ka lang. "

Padabog na umupo ito pero nakatingin pa rin sa'kin.

"Gwapo lang ako te pero hindi ako bingi. Kanino ka in love?  Kay Khirro ba? "

"Maka-Khirro. Mas matanda siya sa'yo. "

"Walang matanda-matanda ate kung ikaw na ang kasali sa pinag-uusapan. Siya ba? "

Bakit ba 'di ako makaangal sa mahangin na 'to? Tumango ako sa kaniya at nag-iwas ng tingin.

"So siya nga? Parang ayaw ko na siyang maging brother-in-law. "

Parang bata na siyang nakanguso at nakairap.

"Khirro is the name of my future son-in-law ha? "

Wala na talaga. Buking na ako.

"Mom? Son-in-law agad? Paano 'pag sasaktan niya lang si ate? Hindi pa po natin alam kung gusto niya rin si ate. "

"Tumahimik ka nga diyan, Ace. Ikaw ang masasaktan sa'kin at sinong hindi magkakagusto sa ate mo? Kahit bulag nga maiin-love sa ugali pa lang ni ate mo. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now