CHAPTER 11

23 8 5
                                    

~🥀This chapter is dedicated to TrieiteenHeart . Thanks for the support. Enjoy reading, Healle. ~

[Aestherielle's POV]

"Next week will be your 18th birthday, my Aesthe. What celebration do you want? Napag-usapan namin ni Daddy mo to have a grand celebration because we want the best for you but I want to ask your opinion. "

Nasa kitchen kami ni mommy and we're making vanilla cake. Saturday ngayon so no classes kaya naisipan kung magpaturo kay mom na mag-bake. Naka-bake na pala kami ng cupcakes at nilagay ko na sa ref.

"I don't want a grand celebration, mom. I want to have a simple dinner with you and my friends. Ang importante po ay masaya ako. "

Tinigil niya ang pagde-decorate ng icing at nilapitan ako. Buong pag-iingat na hinaplos niya ang buhok ko.

"If that's what you want, my Aesthe. Hindi ako makapaniwala, lumalaki na kayo ni Ace. Magiging ganap na dalaga ka na next week. Natatakot ako na dumating ang araw na aalis kayo ng kapatid mo sa bahay. "

I encircled my arms into her waist and placed my head at the top of her chest. At my age, gustong-gusto ko pa ring magpalambing kay mommy.

"Mom, si Ace lang po ang tumatangkad. Ako po dumadagdag lang ang edad at timbang. Paano mo naman po nasabi na aalis kami ni Ace ng bahay? Palalayasin niyo po kami? Si Ace lang naman po ang makulit eh. Saan po kami pupunta? "

Napapikit ako ng hinaplos niya ako sa buhok.

"I mean bubukod na kayo kasama ng magiging pamilya niyo, ng asawa at mga anak niyo. "

"Ang aga naman po yata para isipin mo 'yan mom. "

"Hindi natin malalaman, my Aesthe. Ngayon pa nga lang alam kong may bumihag na ng puso mo. "

Umalis ako sa yakap at hinarap siya.

"W-What are you talking about mom? "

Bumalik siya sa pagdecorate at korteng puso na ang ginagawa niya.

"I'm your mom, of course. Napansin ko ang mga pagbabago sayo. Been there, done that. Napapansin kong kapag nag-iisa ka ay bigla ka na lang natutulala then you put your palm to you chest exactly where your heart is located then afterwards guguluhin mo ang buhok mo na parang ginigising mo ang sarili mo. I've experienced that, sinasabunutan ko rin ang buhok ko kapag naiisip ko ang sarili ko na masaya at kasama ang daddy mo. Parang hindi ako makapaniwala na nahuhulog na ako sa kaniya. Hindi ko matanggap na nagkakaroon na ng puwang si Daddy mo sa puso ko kasi wala talaga akong balak magmahal eh but we cannot stop our hearts to love when it starts beating for one person. Pinigilan ko ang sarili ko but it was too late, I was too late, hulog na hulog na ako kay Daddy mo. Who's the lucky guy who captured the heart of my Aesthe? "

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na parang batang umiiyak sa dibdib niya.

"M-Mom, I'm afraid. Everything's new to me. N-Natatakot ako na na hindi masusuklian ang nararamdaman ko. I like him po. G-Gusto ko siya, mommy. Alam mo naman po diba na I'm waiting for my Prince charming? Pero siya po mom almost opposite po ng ideal guy ko. He even ruined my sand castle like he ruined my dream indirectly. H-Hindi ko po alam kung bakit nagustuhan ko siya. "

Mom caress my back gently.

"We cannot choose who we want to love like our hearts cannot choose whom it will beat. "

I hugged her tight.

"Maybe I was just blinded by the way he cares for me, mom. "

Hinawakan niya ako sa mukha at pinunasan ang batang pisngi ko.

"We don't need to rush things especially love to avoid early heart aches. Just enjoy the feelings first. If you're comfortable being with him then be with him because it's very hard to deny that you don't like him that you're not affected by his presence when in fact your heart beats for his name. I'm always here to support you, my Aestherielle. "

"You're the best mom! Thank you and I love you. "

"I love you too. "








"GROUP HUG!!! "

Lumapit sa'min si Ace at akala ko sasali siya sa yakap pero nagtaka ako ng bigla niya akong hinila at siya na lang ang yumakap mag-isa kay mommy. Lumingon pa 'to sa'kin at dumila.

"Mapagsamantala! Mang-aagaw, sakim at may masamang intensiyon! Umalis ka sa pamamahay na 'to, Marga pakiusap. Akin lang si mommy! Akin! "

Makukulong ba ako kapag binake ko si Ace? Wala na talagang pag-asa 'tong kapatid ko.

"Hoy Cardo! Mommy ko rin si mommy! "

"Mommy mo blue! "

Inis na hinabol ko siya kaya nagpaikot-ikot na kami kay mommy na tumatawa lang.

"Anong happenings here? "

Natigil kami sa paghahabulan at napatingin sa babaeng nasa bukana ng kusina. Lalapit na sana ito sa'min kaso biglang sumigaw si Ace.

"Sino ka?! Pinadala ka ba ni Lily para imbestigahan ang mga tao dito?! "

Tatanungin ko nga mamaya si mommy kung totoong anak niya at kapatid ko ba talaga si Ace. Baka kasi inampon niya lang 'to at ang totoong kapatid niya ay si Devon at Foller talaga ang apelyido niya, hindi Caled.

Nanlaki ang mata ko nang umupo sa sahig ang bisita namin. Maluha-luha ang mata na tumingin sa'min, correction kay Ace lang pala.




"B-Bakit ang bilis mo makalimot? Ako to Sir Chief! Si Maya to. Pangakong hindi ko na kayo iiwan ng mga bata. Please be careful with my heart. "

Humagalpak ako ng tawa nang makita akong bumusangot si Ace.

"Pangit mo ka-bonding, Healle! Wala sa script natin yan ah?! Pwedeng ako na lang sana si Natoy. Si sir Chief pa talaga. "

Lumapit ako kay Healle at niyakap siya. Pinsan ko siya sa side ni papa at matanda lang siya sa'kin ng isang taong. Segunda Ace rin pala to kaya dapat ko nang ihanda ang sarili ko sa konsumisyon sa kanila.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon