CHAPTER 36

19 5 23
                                    

[Aestherielle's POV]

"Khirro's outside your house again, Aesthe. " Waffle

Ito na ang panlimang araw na walang palyang naghihintay sa labas ng bahay si Khirro. Alam na ni mommy at daddy ang nangyari pero hindi nila ako pine-pressure na magkwento sa kanila. Malapit na ring mag-end ang class kaya okay lang na sa exam day na ako papasok. Binibigyan naman ako ng mga kaibigan ko ng notes.

Bumisita sila ngayon sa'kin. Si Anne naman on the way pa lang kasi may emergency kanina sa bahay nila.

"Hindi mo ba siya haharapin? Mukhang okay na naman ang pag-iisip niyo so why don't you give it a try? Mag-usap ulit kayo. Hahayaan mo na lang ba na ibasura ang pinagsamahan niyo? " Neptune

"Nakikita naman naming mahal na mahal ka ni Khirro eh. Alam mo mas lamang ka sa inyo ni Shanaiah na 'yan eh. Wala na siya at nakapaka-impossible talaga na balikan pa siya ni Khirro. Minahal siya ni Khirro kaya hindi maiwasang maalala siya ni Khirro sa mismong araw na na wala ang taong minahal niya. Pero hindi ibig sabihin non siya lang ang babaeng mamahalin ni Khirro. Ikaw, buhay ka at lalong ikaw ang bumuhay kay Khirro. Nasaksihan namin ang pagbabago ni Khirro nang dumating ka. Give the man a chance, Aesthe. " Ava

Inalis ko ang unang nakatakip sa mukha ko at lumuluhang niyakap si Ava. Sumali na rin ang dalawa.

"Ang sakit lang kasing isipin na binabalewala ako. Natakot lang ako na ipagpalit niya ako kay Shanaiah. Na baka nakikihati lang pala ako ng pagmamahal niya. "

"We understand you, Aesthe. Kausapin mo na siya ah? Kawawa naman 'yong tao. Pansin kong namayat siya eh. " Waffle

Sabay na napatingin kami sa pinto nang pabalya itong bumukas. Nakita namin si Anne na parang hinahabol ang hininga.

"Anong mukha 'yan, Anne? Parang hinahabol ka ng mga kampon ni Oscar. " Ava

"Si Khirro!!! Binugbog ni Ace! "

"ANO?!! "

Halos sabay kaming napasigaw pero mas una akong natauhan at tumakbo palabas ng bahay.

Napuno ng kaba ang dibdib ko sa isiping baka mapuruhan ni Ace si Khirro. Kakarating lang panigurado ni Ace kasi ilang araw din siyang nanatili sa bahay ni kuya Caesium sa Bohol.

Nasa aktong susuntukin na ulit ni Ace si Khirro nang sumigaw ako.

"ACE!!! "

Agad na dinaluhan ko ang nakasadlak sa sahig na si Khirro. May namumuong dugo sa kilay niya at putok ang ibabang labi niya.

"Anong ginagawa mo, Ace?! Bakit nanununtok ka?! "

"Sinaktan ka niya, ate! Pinaiyak! Diba sabi ko makakatikim siya ng suntok sa'kin kapag sinaktan ka niya? Fifteen pa nga lang nagawa ko eh! Kulang pang payb para bente. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now