CHAPTER 31

17 5 0
                                    

[Aestherielle's POV]

"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Malapit nang gumabi. Malalagot ako kay Daddy. "

Kaninang uwian kasi namin basta niya na lang ako pinagpaalam sa mga kaibigan ko at ngayon lulan kami ng sasakyan niya at hindi ko alam kung saan kami patungo. Sa bilis ng paglipas ng mga araw, hindi man lang namin nanamalayan na umabot na kami ng anim na buwan.

"Just trust me, Kin. Ayaw mo bang mag-date tayo? "

"Siyempre gusto. Lagi naman tayong nagde-date eh. "

Tinotoo niya nga talaga na liligawan niya ako kahit kami na. Hindi siya pumapalya sa mga surprises niya. Ngayon lang talaga nangyari na hindi niya sinabi kung saan kami patungo.

Huminto kami sa parking lot ng 'Akhiro Restaurant '.

"Anong ginagawa natin dito? Kin naman eh. Alam mo bang napakamahal ng mga pagkain dito? "

Inalis niya muna ang mga seatbelts namin.

"Mahal din naman kita eh. "

Kaya talaga minsan ayaw kong bumabanat siya eh. Lagi akong natatameme.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at magkahawak ang kamay na pumasok kami ng restaurant. Sinalubong naman agad kami ng receptionist.

"Table for two, sir? "

"No. We have reservations po. "

"Name po sir? "

"Ledesma, VIP Grand room. "

May hinanap naman sa computer si ate at inabutan si Khirro ng logbook.

"Sign here sir and I'll lead you to your room. "

Pumirma si Khirro at sinundan namin si ate at tumigil kami sa isang room na may pinto na kulay brown.

"Parang ang laki naman para sa atin ang Grand room, Kin? "

"I have a surprise for you. "

I watched him as he open the door at hinila niya ako papasok. Napatigil ako ng makita ang mga taong makakasama namin.

Masayang nag-uusao ang mga magulang namin ni Khirro kasama na ang mga kapatid namin. Unang nakakita sa'min ay si Ace. Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya habang papalapit kami.

"Good evening po, Mom, Dad, Tita, Tito. " Halos magkasabay na sabi naming dalawa.

Hinalikan ko sa pisngi sina mommy at daddy bago lumapit kay tita Avii na agad naman akong niyakap ng mahigpit. Nginitian ako ni tito Khairro at ginulo ang buhok ko.

"I told you, Aestherielle. Tatawagin mo talaga akong mommy. Bagay na bagay kayo ng anak ko. Ikaw pala ang reason kung bakit ngumingiti na lang yan bigla sa bahay. Welcome to the family, Aesthe. "

Ganito pala ang feeling na tanggap na tanggap ka ng pamilya ng taong mahal mo.

"Welcome to the family, Khirro. "

Nakipagkamay pa si Khirro kay Daddy at yumakap naman kay mommy habang nakipag-fist bump naman kay Ace.

"You better call us mommy and daddy from now on. " Mommy Avii

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now