CHAPTER 42

29 4 14
                                    

[Aestherielle's POV]

"Bakit kasi gabi niyo pa naisipang gawin ang wedding pictorial namin ni Khirro? "

Inside my room, nakakalat lahat ng mga gamit para sa gagawing nuptial photoshoot. Hindi ko nga alam kung anong trip nila at alas diyes na ng gabi inaayusan nila ako.

"Ms. Aestherielle? Fairytale kasi diba ang theme ng wedding niyo? So like sa Tangled, sasakay kayo ni Mr. Khirro sa bangka with sky lantern. "

Napatango na lang ako sa explanation ng hired wedding photographer namin na si Trix.

"Make up's done! Now it's time to wear the wedding gown. " Selena, my make up artist / assistant ni Trix.

I'm now a wearing a ball gown, medyo hapit ang sa upper part at litaw ang magkabilang balikat ko dahil sa style na off-shoulder but then there's this ruffled style between my elbow and shoulder. Medyo litaw ang cleavage ko pero 'di naman siya gan'on ka daring.

They curled my hair earlier and now they're putting white roses to it.

I'm now holding the necklace dad gave to me as I looked myself into the mirror. I look like a princess that I've been dreaming of. The happiest part is that I'm marrying my Prince and I can't wait for that special day to happen.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at nasa baba naman si Trix patuloy na kinukuhanan ako ng litrato.

Lumabas kami ng bahay at napaawang ang bibig ko sa bagay na nasa harap ko. Ilang beses ko pang kinusot ang mata ko dahil sa sobrang pagkamangha. Nasa harap ko lang naman ang karwaheng katulad sa karwahe ni Cinderella. Kabayo rin ang lalakad kasama ang lalaking naka-black coat.

May umalalay sa'kin sa pag-akyat at nakita kong nakasunod ang sasakyan ni Trix. Napayakap ako sa sarili ng makaramdam ng lamig. Hindi naman malakas ang hampas ng mga alon pero sadyang malamig lang ang dami ng hangin. Nandito pala kami sa Tan's beach resort para magbakasyon at sa wedding photoshoot na rin.

Tumigil ang sinasakyan ko kaya napatingin ako sa harap at tanging kadiliman lang ang nakikita ko. Dali-daling tumingin ako sa likuran at hindi ko na maaninag ang sasakyan ni Trix.

"Excuse me? Nasaan na po tayo? "

"Pwede ka na pong bumaba, Ms. Aestherielle. Follow your heart and be with the man you will live happily ever after. "

Bumukas ang pinto sa gilid ko at may babaeng umalalay sa'kin sa pagbaba. Ano ba talagang nangyayari? Paano ako makakalakad kung tanging kadiliman lang ang nakikita ko? Kahit naguguluhan pinili ko na lang na lumakad.

I took one step forward and both of my sides lighted. A violet lotus flower with a light inside. Actually kandila talaga ang ginamit kasi may nakita akong dalawang anino na sumindi sa mga ito. Ang haba na nang nilakad ko at gan'on din kahaba ang mga lotus flowers na siyang nagsilbing ilaw ko sa daan.

Muntik na akong mapatalon nang biglang lumiwanag sa unahan ko. Maya naka-arc sa harap ko katulad ng sa Santa Cruzan. Napapalibutan ito ng iba't-ibang bulaklak at mga ilaw.

"Are you ready, my rielle? "

Hindi ko man lang namalayan sina mommy at daddy na nasa tabi ko na. They're wearing suit and dress too.

"What's happening po? "

Ikinawit nila sa magkabilang braso ko ang mga braso nila.

"You'll live in your dreams. "

Parang magic word ang 'dreams ' dahil after niyang bigkasin 'yon, umilaw ang buong paligid. Ang daming tao at lahat sila naka ball gown na pink at ang mga lalaki naman ay nakablack tuxedo. I saw familiar faces lalo na ang mga kaibigan ko. They smiled at me and my gaze turned to where they pointed together.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now