CHAPTER 14

23 5 2
                                    

🥀I dedicate this chapter to Khirro_. Someone's special is waiting for you. Balik ka na raw. 🥀

[Aestherielle's POV]

Akala ko ba kapag magkakaibigan walang iwanan? Eh bakit ako na lang mag-isa ngayon dito sa gym?

PE kasi namin kanina at basketball kaya nakapang-sports wear kami. Ang late ang siyang maglilinis ng buong gym kaya ako ang maswerteng nakakuha ng pwesto. Late po ako ng 10 minutes dahil sa hindi ako masyadong nakatulog kasi sumasagi lagi sa isipan ko ang nangyari kahapon.

Absent pala si Khirro siguro hindi pa siya magaling. Sure naman ako na mabilis siyang gagaling kasi alagang-alaga siya ni Tita Avii.

Back to my reklamo, so diba late ako? Kaya ako lang maglilinis dito at sobrang dami pa ng mga bola na nakakalat sa kung saang sulok ng gym. Nagtataka talaga ako kung bakit need pang ilabas lahat ng bola kung pwede na ang hanggang lima lang ang gamitin.

Every Wednesday pala ang PE namin at civilian day kaya since PE lang subject namin marami kaming oras gumala. 3 hours lang naman duration ng class namin eh then after that yehey! Free time.

Ako lang pala mag-isang naglilinis dito dahil nagsipulasab na ang mga kaibigan ko. May kaniya-kaniyang gagawin daw pero mamayang ala-una raw magkikita kami sa nakasanayang cafe' shop na pag-aari ng pamilya ni ate Ash, girlfriend ni kuya Basil.

Sinimulan ko nang pulutin ng mga bola at nilagay sa lalagyan.

"Hi? Pwede kaming tumulong?"

May dalawang babae sa harap ko at naka-PE uniform din sila.

"S-Sure! Thank you. "

Totoo talagang madaling matatapos ang isang gawain kung nagtutulungan. Kalahating oras ang ginugol namin bago natapos ang lahat na gagawin. Nakaupo kami ngayon at nagpasalamat ako sa kanila ulit.

"I'm Aestherielle pala. Kayo? Nice to meet you by the way. "

Naglahad ng kamay ang babaeng nakapusod ang buhok.

"I'm Mercedes and she's Sol. Nice to meet you too. Bakit pala ikaw lang mag-isa ang naglilinis dito? "

Kinuwento ko naman sa kanila ang lahat.

"Sana pala 'di mo na lang nilinisan 'tong gym kasi kami naman pala ang susunod na gagamit. Madudumihan pa rin naman. " Sol.

"Okay lang. At least tapos na at pwede bang makipag-friends? "

"Sure! Kung gusto mo ulit ng katulong sa paglilinis tawagin mo lang pangalan namin at agad kaming dadating. "

Natawa naman ako sa sinabi ni Mercedes.

"Powerpuff girls lang?"

Napapalakpak si Cedes.

"True ka diyan te! Sa wakas!!! "

Nag-echo sa buong gym ang sigaw niya with matching open arms pa. Mukhang nakahanap na naman ako ng kalahi nina Ace.

"Okay ka lang, Cedes? " Sol

Hinarap ni Cedes si Sol at niyugyog sa balikat.

"Sol! Kumpleto na tayo! Kumpleto na ang Powerpuff girls! Ikaw lang naman pala ang nawawalang kasama namin! Ikaw si Blossoms, ako si Bubbles at si Sol si Mojojojo. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon