CHAPTER 22

16 4 14
                                    

[Aestherielle's POV]

"SSG President niyo siya diba? "

"Oo"

"Parang gusto niya akong patayin sa mga tingin niya. "

Nagtatakang nilingon ko siya.

"Ha? "

"Hakdog! Joke lang! "

Inambahan ko kasing hahampasin ng bag ko.

"Kanina ka pa niya kasi tinitingnan the  when he turned his gaze to me kulang na lang bumulagta ako sa talim nito. Nagseselos siguro. "

"Don't give me false hope. "

"I'm just telling the truth. Kahit na nakaalis na ang sasakyan ko nakita ko sa side mirror na nakatingin pa rin siya. "

Nagkibit-balikat na lang ako. Ayaw ko nang mag-isip baka umasa na naman ako. Kinuha ko ng cellphone ko at chinat si Ace na early ako makakauwi para naman 'di na siya maghintay sa'kin.

Papalapit na kami sa bahay nang makita kong lumabas si Healle.

"Diyan lang sa tapat ng babae. "

Hininto ni Dark ang sasakyan at sabay kaming lumabas. Agad na nilapitan ko si Healle.

"Saan ang punta mo? "

Nakatingin pa ito sa sasakyan bago ako pinansin.

"Ang aga mo ah? Diyan lang ako sa . Wala na kaming pang-skin care ni mommy eh. "

"Lalakarin mo lang? "

"Yup! Afternoon walking na rin. Anyways, sino pala 'Yang naghatid sa'yo? "

"New friend, si Dark. "

"Gwapo ba? Pangalan pa lang kasi ang gwapo na ng dating. "












"Correct answer key ka, Amazona! "

Napatalon pa ako dahil sa biglang pagsulpot ni Dark. Kita kong nag-iba ang mood ni Healle at ang sama na nh tingin nito sa katabi ko.

"Hoy yabang?! Anong ginagawa mo rito? Are you stalking me?! "

Nakisali muna ako sa kanila bago pa magkaroon ng world war 3.

"Magkakilala ba kayo? "

"HINDI! / NO! "

Sabi ko nga! Kailangan pa talaga sabay sila. Umatras ako ng kunti baka matalsikan ako ng laway este ng dugo.

"Ang gwapo ko namang stalker, Amazona. Kung stalker man ako, sa dinami-dami ng maganda bakit ikaw pa? "

Nameywang na si Healle at dinuro si Dark.

"Sinasabi mo bang panget ako?! "

"May sinabi ba ako? "

"Parang iyon ang pinupunto mo eh! "

"Edi iyon nga. "

"Hep! Hep! Hep! Awat na! "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now