CHAPTER 33

25 5 5
                                    

[Aestherielle's POV]

"Daddy? Daan po muna tayo sa flower shop. "

Ilang taon ang lumipas hanggang sa naging 3rd year college na ako. Finishing my high school life together with the person I love was one of the most unforgettable and memorable event of my life. Khirro graduated with highest honors habang ako naman ay with high honors.

Business administration ang kinukuha ko habang si Khirro naman ay Civil Engineering.

"Tingnan lang natin kung tatanggapin iyan ni Ash ang bouquet mo. Lagi ka namang basted don. "

Si Ash pala or Asheria Eunice Santiago ay ang kaklase niyang babae na nakakuha ng atensiyon niya. Ang malas lang ni Ace kasi sobrang sungit ni Ash at hindi man lang tinatablahan ng mga palipad hangin niya. Civil engineering din pala si Ace at senior niya na si Khirro. Si Ava naman ay Law habang sina Waffle, Anne, at Neptune ay Education ang course. Si Devon at Alyxir, Law din ang course. Same university pa rin naman kaming lahat.

"Ang negative mo po ate. Pustahan, lalambot din siya sa'kin. Sa sobrang gwapo at sweet ko ba naman. "

"Sus! Balita ko may mga manliligaw daw na pumipila sa kaniya. Dating Ms. Campus ba naman kaya paniguradong pila-pila. "

"Ace Lionell Caled ang kakalabanin nila? Huh! Dapat umatras agad sila bago pa sila umuwing luhaan. Papatalo ba ako? Suntukan kung suntukan! "

"Makabakod parang may karapatan. "

"Daddy? Si ate oh! Porket may steady at healthy relationship siya. "

Tinawanan na lang siya namin ni Daddy. Sumbungero pa rin talaga. May pagkaisip bata pa rin talaga kahit 1St year college niya. Mas tumangkad pala siya, hanggang balikat niya na lang ako. Tapos mas lalo siyang gumwapo kaso hindi ko lang sinasabi sa kaniya baka kasi lumaki na naman ang ulo at lumakas na naman ang signal ng bagyo niya.

Dumaan kami sa bagong bukas na flower shop dito malapit sa school. Tama ang opening ng 'Xevyara Flower Shop' kasi Valentine's day ngayon kaya dagsa ng mga tao hindi lang nga estudyante.




"Ash my bebe! Ang gandang bungad naman ng umaga ko oh! "

Nginitian ko na lang si Ash na nakasimangot na kay Ace. Magkatabi kasi ang sasakyan namin sa parking lot at sabay din kaming bumaba kaya nasilayan siya agad ni Ace.

"Good morning po, ate Aestherielle. "

"Good morning, Ash. "

"Ako? Hindi mo man lang babatiin, Ash my bebe?"

"Pwede ba Ace huwag kang panira ng umaga? And can you please stop calling me that eww endearment?"

Manonood muna ako sa kanila habang hinihintay si Khirro. Sayang wala akong dalang popcorn.

"Okay! Ash you wish my love! " she glared at Ace.

"Ang kulit ng lahi mo no?"

"Bakit? Gusto mo bang magpalahi?"

Kung may iniinom o kinakain lang siguro ako ngayon baka nabulunan na ako.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now