CHAPTER 24

17 5 5
                                    

[Aestherielle's POV]

"Kamusta naman ang pag-e-eavesdropping niyo kanina? "

Kasalukuyang nasa pila na kami ngayon at malapit na rin ang turn naming umakyat ng bus.

"Eavesdropping? "

Okay! Ang galing talaga nilang mag-maang-maangan.

"Magde-deny pa ba kayo? Nakikinig kayo sa usapan namin ni Khirro no? "

Nagkatinginan sila pero maya-maya sinundot ako ni Anne sa bewang.

"Kilig ka naman? "
Pabirong inirapan ko siya.

"Saang part naman ako kikiligin don? Eh diba nga nagkasagutan ulit kami? At saka what's the problem kung makipagkaibigan ako? I'm not really getting his point. "

"He's jealous, Aesthe. He doesn't want any man near you. "

"Kung nagseselos siya, eh ano pa ang pumipigil sa kaniya to make his move towards me? "

"MARUPOK!!! "

They said in chorus at mabilis na pinagtatakpan ko ang mga bunganga nila dahil napalingon na sa'min ang mga tao.

"Ops! Akyat na tayo ng bus. " Neptune

Unang umakyat si Waffle at ako ang panghuli. Nakapwesto silang apat sa pinakalikod at nakita kong may vacant pa sa tabi ni Ava kaya doon na lang ako pupwesto.

Nasa second to the last na row na ako ng mga upuan nang biglang may humila sa'kin paupo.

"Hey? Doon ako sa likod uupo! "

Pilit akong tumatayo pero hindi man lang niluluwagan ni Khirro ang kapit sa bag ko kaya ang ending umupo na lang ako at inirapan siya. Nakita ko pang umangat ang isang sulok ng labi niya.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan? "

Mabilis naman nitong naibalik sa blangkong expression ang mukha.

"I'm not smiling. "

Gagawin pa ako nitong bulag at sinungaling. Madamot talaga ngumiti pagdating sa'kin.

"Gusto kong umupo sa likod, Khirro. "

"Malubak ang daan. Sasakit lang ang katawan mo. "

Hindi na lang ako sumagot. Ilang beses ko mang itanggi, alam ko sa sarili ko na gusto ko siyang makatabi.

Pag-angat ko ng tingin ay siya ring pag-akyat ni Athaliah ng bus. Agad na napako ang tingin niya sa katabi ko habang papalapit sa'min.

Tiningnan niya ako ng masama kaya para wala nang gulong mangyayari, naisipan ko na lang tumayo pero biglang na blanko ang utak ko sa biglang pag-akbay sa'kin ni Khirro. Napatigil sa paglalakad si Athaliah at rinig ko ang mahinang tili ng mga kaibigan ko.

"Aalis na tayo students. Ms. Athaliah, take your seat at the back. "

Wala na siyang nagawa kundi ang umupo sa likod.

"A-Ang braso mo, Khirro. "

Inalis niya naman agad ito kaya nakahinga ako ng maluwag.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now