CHAPTER 27

18 5 10
                                    

[Aestherielle's POV]

Nasa tapat na kami ng room at nagdadalawang-isip akong kumatok dahil alam kong kakasimula pa lang ng last period namin sa umaga.

Muntik ko nang karatehin si Kuya nang bigla siyang kumatok.

Bumukas ang pinto at lumabas si Ms. Demoan.

"Early noon, Ms. Demoan. I'm sorry for being late. "

"No, it's okay. Sinabihan na ako ng mga kaklase mo. "

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Hi Ms. Demoan, can I join your class? I can sit at the back. I promise I won't make any noise. I just want to look at my girl. "

Pinipigilan kong huwag maduwal sa pinagsasabi niya. Ngumiti si miss at nanunuksong tiningnan pa ako nito. "

"Sure! Pumasok na kayo."

Sumunod kami kay miss at bigla silang lahat natahimik.

"This handsome guy in front of you wants to join our class with a reason that he wanted to look after his girl. Is it okay to you? "

Mabilis naman silang tumango at ramdam na ramdam ko ang kilay na nararamdaman nila. Hays! Kung alam niyo lang talaga classmates.

May bakante sa likod ng upuan ni Neptune kaya doon ko siya pinaupo.

Hindi ako masyadong nakapag-concentrate sa klase kasi panay hingi sa'kin ni kuya ng papel, lapis, ball pen at kung ano-ano pa.

Lunch time kasama pa rin namin siya at enjoy na enjoy ang mga kaibigan ko kasi libre lahat niya.

"Where do you live, Caesium? " Waffle

Sinabi pala ni kuya sa kanila ang true name nito kasi kinulit talaga siya ng apat.

"I really live in Bohol but I'm currently living in Canada. "

"Kung sa Canada ka, paano mo nakilala si Aestherielle? "

"Actually matagal ko nang kilala si Aestherielle. Our parents are are partners in business. It happens that I'm close with her cousin so I decided to ask his cousin about her. Yeah, I'm really interested with her. I hope she'll give me a chance but for now I won't force her. I'll just enjoy this moment that I can sit and talk with her this near. "

Pinagtutulak naman ako ng mga kaibigan ko sa kilig. Kanina pa talaga ako tinatadtad ng kurot. Grabe talagang humabi ng kwento ang lalaking 'to! Paano niya naman naisip nang ganito kabilis ang kwento. Feel ko pinag-usapan din naman nila to ni Healle.

Start na ang afternoon class namin nang magpaalam si kuya. May ime-meet pa raw siyang kaibigan pero susunduin niya naman daw ako. Sasakyan siguro namin ang gagamitin niya.

"Hindi pa rin ako makamove-on sa kapogiang taglay ni Caesium mo, Aesthe! " Ava

"What's your plan? Bibigyan mo ba ng chance si Caesium? " Anne

"Hmm... Depende. Hindi naman siya mahirap mahalin. "

Napapalakpak si Waffle na siyang ikinalingon ng mga kaklase ko.

"Tama yan, Aestherielle. Mahalin mo yung taong kayang suklian ang pagmamahal mo at gumagawa ng paraan para mapasakaniya ka. Bagay nga sa kaniya ang code name niya kasi parang nase-sense ko na siya na talaga ang future mo. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon