CHAPTER 23

16 4 0
                                    

[Aestherielle's POV]

Tama nga si Ace, kinabukasan sinabi sa'min ng tungkol sa field trip with night camping. One night and two days kami sa Mt. Samat. Siguro mga 3 hours na biyahe papunta ron kapag dito sa school ground a-assemble. Next week na pala pero sa Friday may meeting pa kasama ang mga parents so it means wala kaming pasok.

Hindi ko pa rin tinitingnan si Khirro buong klase namin. Ramdam kong nakatitig siya sa'kin pero tina-try ko talaga ang best ko na huwag papaapekto.

"Khirro? Sasama ka ba sa camp? "

Biglang tumahimik sa kakachika sina Waffle nang marinig nila ang tanong ni Athaliah. Ngayon alam na namin ang totoong ugali niyang babaeng 'yan. Plastic pa sa plastic.

"No"

Nagkatinginan kaming lima dahil sa sagot nito.

"What do you mean? Hindi ka sasama? B-But you're the SSG President? "

"It's not compulsory. I have important things to finish. "

Anong important things kaya? Naging tahimik ang buong room nang biglang tumunog ang school intercom.

"Good day, everyone! Again, I'm your Plumang Manunulat and I have here the second letter for this day. Let me read this for you. To Aestherielle Zarah Caled, it's been months since the first letter but don't think that I'm not updated when it comes to you. I have eyes wherever you will go and I was busy the reason why this second letter took this long. Anyways, I heard that your grade will be having a field trip and night camping? I'm glad that our place is near at Mt. Samat so I decided to finally show myself to you and personally I'll ask you to let me court you. Keep safe always, my Aestherielle. From #futuremo. "

Nawindang ako sa mga narinig ko. Buhay pa pala 'tong si #futuremo. Anong pinagsasabi niyang liligawan niya ako? Anong gagawin ko kapag nakaharap ko nga siya sa camp?

"Oh My Gosh! Magfe-face reveal na ba si #futuremo? " Ava

"Ang sweet naman niyang admirer mo, Aestherielle. "

Jusko po! Sumali na ang mga kaklase ko sa asaran.

"I'm sure na 100% ka nang sasama, Aestherielle. May naghihintay pala sayo sa Mt. Samat. Siguro SIYA na talaga ang FUTURE MO. "

I gave Athaliah a fake smile.

"Sana all diba? Kesa naman sa iba riyan na nang-aagaw ng future. " Neptune.

Sumama naman ang timpla ng mukha ni Athaliah at reresbak na sana pero natigil sila nang biglang tumayo si Khirro na sukbit ang bag. Umalis ito at akala namin lalabas na siya ng pinto pero dumiretso siya sa white board at kumuha ng marker at sinulat ang pangalan niya sa mga list ng sasama sa field trip pagkatapos ay walang lingong lumabas ng room.

"Bilis mag-iba ng desisyon ah? " Anne

Sumenyas sa'min si Waffle na lumapit. Nagsilapitan naman kami at hinintay ang sasabihin niya.

"Nasesense ko talagang may gusto 'yang si Khirro sa'yo Aestherielle eh! Hindi pa buo ang imbestigasyon ko pero sapat na yung kaninang ginawa niya. Diba you heard naman na ayaw niyang sumama sa camp kasi may importante siyang gagawin? Then biglang may mensahe si admirer mo para sa'yo tapos ayun! Biglang nag-iba desisyon niya kasi may MAS importante pa sa inportante niya sanang gagawin. Basta final investigation ko may gusto si Khirro sa'yo. Kapag tama ako, sasagutin ko na si Alyxir. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now