CHAPTER 35

21 3 5
                                    

~ I dedicate this chapter to Aesthzainee_16 and Khirro_ favorite couple ko pa rin talaga kayong dalawa 🥺. Sana maging okay na ang lahat. Enjoy reading ❤️~

[Aestherielle's POV]

Nandito ako ngayon sa labas ng room ni Khirro. Nagtataka kasi ako kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Pati na rin mga chat ko hindi man lang niya na-seen. Gusto ko mang puntahan sa bahay nila pero natambakan talaga ako ng nga activities.

"Hi, miss? Nandiyan ba si Khirro? "

Uwian na nila at ang babaeng unang lumabas ang siyang pinagtanungan ko.

"Ledesma? As of now, four days na siyang absent eh. Maraming prof na namin ang nagtataka, even us. Kilala kasi siya namin na binibigyan ng importance ang pag-aaral. "

Gulat man sa nalaman pero hindi ko na lang pinahalata.

"A-Ahh gan'on ba? Sige miss salamat. "

Pakiramdam ko parang lumulutang ako sa ere. Hindi ko na nga napagtuunan ng pansin ang pagtawag sa'Kin ni mommy kasi basta na lang ako pumasok sa kwarto ko.

Ano na kayang nangyari sa kaniya? May sakit ba siya kaya hindi siya pumasok?

Nagpalit ako ng suot na uniform.

"Gabi na, Aestherielle. Saan ka pupunta? "

"Pupunta lang po ako mom kina mommy Avii. Four days na kasing hindi pumapasok si Khirro sa school. I'm worried. "

I got teary-eyed when she hugged me.

"Ako na ang bahala kay Daddy mo magpaliwanag. Mag-iingat ka ah? Ipapasundo kita mamayang 9 kay Ace. "

"Opo, mom. Salamat. "

Sakay ng taxi habang papunta sa bahay nila Khirro. Nagpababa ako sa harap ng gate at walang pagdadalawang-isip na nag-door bell.

"Ate? Magandang gabi po. Pasok po. "

"Good eve, Syed. Nandito ba si kuya Khirro mo? "

Rinig kong nagpakawala siya nang buntong-hininga.

"Mom's worried. Hindi po siya lumalabas ng kwarto niya. "

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko.

"Kumakain naman ba siya? "

"Pinapadalhan naman po namin siya ng pagkain pero hindi po namin alam kung kinakain niya. "

"Sana man kang kumakain siya. Nasaan si mommy Avii? "

"Baka nasa kusina po ate at naghahanda na naman ng kakainin ni kuya. "

Nagpasalamat ako sa kaniya at tinungo ang kusina. Natagpuan ko si mom na tulalang nakatingin sa food tray na nasa harap niya.

"Mommy? "

Agaran ang pagtingin niya sa'kin at nag-alala ako nang lumapit siya sa'kin at umiiyak na niyakap ako.

"I don't know what to do, Aesthe. He doesn't want to talk to us. I'm not sure if he's eating or drinking water. I don't have the spare key of his room and even if I have, I still can't get inside because he locked also the inside. I'm thankful you're here. Can you please talk to him? "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now