CHAPTER 20

16 5 1
                                    

[Aestherielle's POV]

"Neptune? May extrang hair net ka pa diyan? " Anne

"Tingnan mo sa locker ko. Bakit sa dinami-dami ng makakalimutan mo ang hair net pa?  Alam mo namang strikto si Ms. Truda. "

"Nagmamadali kasi ako kanina eh. Maagang pumasok si Daddy sa trabaho. Alam niyo namang sumasabay ako Kay daddy eh. "

Inipit ko sa suot na hair net ang mga kumawalang buhok ko. TLE namin ngayon at na-assign kami sa bread and pastries at magbe-bake kami. Complete ng lahat ng mga kakailanganin dito sa room pero kami ang bahala sa mga apron, hair net, at gloves kami personal needs iyon eh.

"Okay class go to your place and listen to my demonstration first before you start. Understood?" Ms. Truda

"Yes miss! "

Nag-discuss siya muna ng mga different tools and equipment in baking at sunod naman ang mga ingredients sa paggawa ng chiffon cake.

Nagstart na siyang mag-demo ng step by stepon how to mix ingredients and also the temperature and measurements.

"We still have 2 hours time left at since may alam na kayo sa mga steps, you can make your own chiffon cake and you can design it based on your creativity. If you have questions feel free to ask me. Proceed to your work now."

Nagkaniya-kaniya na kami ng sukat ng mga ingredients at siyempre hindi pa rin nawawala ang mga inquiries kaya miss. Since I love pink gumawa ako ng strawberry flavor chiffon cake. Sayang! Nakalimutan kong dalhin ang mga strawberry sa ref.

Katabi ko pala si Athaliah at mukhang vanilla flavor ang gagawin niya. Mukhang sanay siya sa pagbe-bake kasi never siyang nag ask ng question kay Ms. Truda.

Halos isang oras natapos kaming lahat sa paggawa ng cake. Sari-saring flavor pero majority is chocolate. Sa design lang nag-iba.

"Mukhang napamangha niyo akong lahat. I'm congratulating you guys for a job well done. As a reward, I'll dismiss you early. "

Napahiyaw kami sa sinabi niya. Minsan lang nag-e-early dismissal si Ms. Truda kaya kailangang sulitin. Pwede pala naming dalhin sa bahay ang gawa namin dahil kami naman nagbabayad every month.

Kasalukuyang nilalagay ko ang cake sa gawa kong box nang nilapitan ako ng mga kaibigan ko.

"Patikim naman ng cake mo, rielle." Neptune

"Sige, exchange tayo ng one slice."

Binuksan ko ulit ang box at akmang bubuhatin ko na ang cake nang bigla akong pahiran ni Waffle ng icing kaya mabilis na umatras ako at may nabangga ako.



"OHMYGAHD! "

Rinig ko ang mga singhapan ng mga taong natira pa sa loob ng room.

Lumingon ako at nakita kong napuno ng icing ang uniform ni Athaliah at nasa sahig na ang cake niya.

Mabilis na humila ako ng tissue at pinunasan ang uniform niya pero nabigla ako ng bigla niya akong tinulak na kung hindi ako naagapan ng mga kaibigan ko sa likod ay paniguradong masasadlak ako sa sahig.

"Dahan-dahan naman Athaliah. " Ava said with a serious voice kaya hinawakan ko siya sa braso na parang ipinapahiwatig na huwag niya nang patulan.

"Dahan-dahan? Really? Ako pa talaga ang sasabihan niyo ng ganiyan? Diba dapat sa mga sarili niyo 'yan i-apply? "

Salubong na ang kilay nito at masama na ang tingin.

"I know it was my fault, Athaliah. I'm sorry. Papalitan ko na lang ang cake mo. "

Umismid naman ito at umirap pa sa'min.

"Mababalik ba ng sorry mo ang cake ko? "

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko dahil ramdam ko na parang until-unting napuputol ang tali ng pasensiya ko.

"Nag sorry na nga ang kaibigan ko sa'yo ah? Ano pa ba ang gusto mo? Public apology? Ano ka gold? "

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Wala talagang inaatrasan si Waffle 'pag kami nang mga kaibigan niya ang kasangkot.

"Bakit ba ikaw ang sabat nang sabat diyan? Ano ka spokesperson nitong pipi mong kaibigan?"

"Aba't!"

"Stop it, Waffle! Athaliah? Ano nga ba talaga ang kailangan mo? Nag sorry na ako and I was sincere. I even want to bake you a new cake for compensation. Once again, I'm sorry. "

Pinipigilan ko lang talagang magtaas ng boses kasi ayaw ko ng gulo.








"Makakain ba 'yang sorry mo?"

Naikuyom ko ang mga palad ko aa nararamdamang galit.

"Try mo kaya? Mukhang edible naman ng sorry ko, ikaw lang may ayaw. Akala ko ba matalino ka? Well marami ngang namamatay sa maling akala. Simpleng sorry kasi hindi mo matanggap? Why is that? Anong gusto mo? Lumuhod ako habang humihingi ng sorry? You wish! Hinding-hindi luluhod ang prinsesa sa isang tulad mo na singtaas ng Eiffel tower ang pride. Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko, edi don't. I wasted my free time to this nonsense conversation. You're the epitome of an evil wearing an angel's clothing. "

Inirapan ko muna siya bago inayos ang cake ko pero hinila niya ang buhok ko kaya as a reflex mabilis na natulak ko siya na siyang ikinabagsak niya sa sahig.






"What's happening here?"

Dumating si Khirro at nilapitan niya si Athaliah na agad umiyak. Inalalayan niya itong tumayo kaya ramdam ko na parang pinupunit ang puso ko.

"What happened to your uniform? And your cake? "

Mas lumakas ang iyak nito na parang aping-api.








"G-Gusto ko lang namang umuwi eh. Dadaan na sana a-ako pero hinarangan nila ako at tinulak ang hawak kong cake kaya natapon sa damit ko at sa s-sahig. I d-don't know kung anong k-kasalanan ko sa kanila. I just want to be f-friends with them but it seems that they don't like me. W-What should I do? Magagalit si mommy 'pag umuwi ako na marumi ang damit. "

Humihikbi na ito at yumakap kaya Khirro.

"Sinungaling ka! Alam mong hindi ganiyan ang nangyari! Ang galing galing mong gumawa ng kwento. Need ko na bang magpa-book sign sayo in advance bago ka pa sumikat?! "

Namumula na ang mukha ni Ava sa galit. Mas sumiksik naman si Athaliah kay Khirro.

"Who pushed you? "

Nanlaki ang mata ko nang tinuro niya ako.

"Why did you do that, Aesthe?"

Ramdam ko ang pag-init nang dalawang mata ko at paninikip ng dibdib ko.

"R-Really Khirro? Mas p-paniniwalaan mo pa siya kesa sa'kin? "

"Leave me and Aestherielle alone. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon