CHAPTER 18

18 4 0
                                    

[Aestherielle's POV]

"Walang may maglalasing ng sobra ah? If gusto niyo nang matulog you know your room. Goodnight everyone. "

Sabay na nag-goodnight kami kay mommy at daddy.

Nandito kami lahat sa sala at may round table sa harap namin na may nakalagay na limang bote ng red wine at mga pulutan. Hindi na tuloy ang movie marathon kasi 'di na nila bet. Nauna palang umuwi si Kuya Basil at Ate Ash kasi kahit na sabado bukas may duty pa sila sa Cafe' shop.

May mga nakalatag na throw pillow sa sahig kaya malaya silang nakasalampak. Nagbihis na pala ako ng damit para naman komportable akong maka-bonding sa kanila.

"Okay! Kung sino gustong unang tumagay pakigalaw ng baso." Anne

Mabilis na hinawakan ni Ace ang baso niya. Kahit wala pa siya sa legal age pinayagan na lang siya ng parents ko kasi wine lang naman.

Nagsimula ang inuman, kwentuhan at asaran. Umiinom din ako pero kunti lang ang pinapalagay ko sa baso ko.

Alas dose naubos ang laman ng wine at kunti na lang ang pulutan namin pero wala pa talagang may nalalasing at inaantok.

"Bumili kaya tayo ng soju sa 7/11?"

Madaming sumang-ayon sa suggestion ni Healle.

"Paano 'pag nalaman ni mommy at daddy na lumabas tayo ng mga ganitong oras? " I worriedly asked.

"Malalaman 'pag may nagsumbong. " Neptune

Medyo malapit lang naman ang 7/11 dito at pwedeng lakarin kaso baka makita kami ng mga tanod dahil sa curfew.

Sa huli natagpuan ko na lang ang sarili namin na nasa loob na ng 7/11. Nag-ambag-ambag sila para makabili ng limang bote ng soju at mga chichirya.

Lumabas kami ng 7/11 at 'di pa kami nakalayo ng may tumawag sa'min.

Parang bida sa horror movie na sabay kaming lumingon. May tatlong tanod na may dalang mga batuta. Parang nanigas kami sa aming kinatatayuan.

Ilang dangkal na lang ang layo nila sa'min ng biglang sumigaw si Cedes.


"Anong ginagawa niyo rito sa labas?!  Gabi na at lumalabag kayo sa curfew! Gusto niyo bang makulong?! "

Nakapamewang at nakaturo pa ang daliri niya sa hindi naka-react na mga tanod.


"TAKBO!!! "

Hindi ko na alam kung sino ang sumigaw basta may humila na lang sa kamay ko at nagsisitakbuhan na kami. Parang hindi man lang kami nakaramdam ng pagod. Lumingon ako at nakasunod pa sa'min ang mga tanod kaya mas binilisan pa namin ang pagtakbo.

Pagpasok sa loob ng bahay sabay na humandusay kami sa sahig habang habol ang hininga.

"T-That...was...fun! "

Nabaling ang tingin ko sa katabi ko ng magsalita siya. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahugpong.

Why do I feel like our hands are perfectly made for each other?













Isang buwan ang lumipas pagkatapos ng unforgettable birthday celebration ko. Kinaumagahan pala napagalitan kami kasi may naiwang ibedensiya na lumabas kami ng bahay. May naiwang bote ng soju sa sofa.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now