SPECIAL CHAPTER

34 5 7
                                    

[Aestherielle's POV]

"Wife, a parcel for us. Can you open it? Kukuha lang ako ng damit nina Elio at Aelia. "

Nasa indoor mini-playground kami dito sa bahay na pinagawa ni Khirro. Dibale ang katabi nito ay ang theater room namin at indoor pool. Iba talaga 'pag engineer asawa mo kasi ang daming arte. Halos rubber ang mga gamit dito sa playground kaya safe para sa 2 year old babies namin.

I made sure first na safe ang kambal bago pinagtuunan ng pansin ang parcel. Pagkatapos kong alisin ang bubble wrap, namangha ako sa nakita kong magazines. 'Yong kami rati ni Khirro sa Tan's Beach Resort, mga panahong aso at pusa pa kami at ang isang magazine naman ay noong kinasal kami ni Khirro at last ay ang binyag ng kambal namin last 5 months.

"Kanino galing, wife? "

Kasalukuyang pinapalitan niya ng damit ang kambal namin. He's a good father and a husband.

"Bright Sky Press Magazine"

Pinugpog niya muna ng halik ang dalawa na tawa naman ng tawa bago lumapit sa'kin.

"Look at that, kita talaga sa mata mo na patay na patay ka sa'kin, hubby. "

He pulled me for a tight embrace.

"There's nothing for me to deny. Siguro nga gusto na kita that time but I'm afraid to admit it. "

Lakas talaga nagpakilig nito eh.

"Ako rin siguro, kaso nakakainis ka rati eh kaya mas lumamang ang ang hate sa love. "

"But that hate lead us to what we are and what we have right now. "

I know na ang pagkainis ko rati ay parang defense mechanism ko na lang or palusot dahil hindi ko matanggap na gusto ko siya pero ngayon wala nang palusot dahil nakatali na kami sa isa't-isa hanggang sa huling buhay namin.

Si Waffle at Alyxir may seven months old baby girl na. Sina Anne at Neptune naman ay masyadong dedicated sa mga trabaho nila pero ayon sa source ko may mga pumoporma sa kanila. Si Ava naman ay may special someone na raw at ipapakilala niya na soon.







Paakyat ako ngayon sa kwarto ng kapatid ko. Malapit na raw kasing makalbo si mommy sa kunsomisyon kay Ace. Iniwan ko muna ang kambal kay Khirro.

"Ace? Can I come in?"

Nang walang sumagot ay naglakas-loob na lang akong pumasok at nadatnan ko siyang nakaupo sa dulo ng kama niya at nakatulala na naman. Hindi ito ang unang beses na nadatnan ko siyang ganito. Mukhang alam ko na kung ano at sino ng rason.

Tumabi ako sa kaniya at hindi muna pinagtuunan ng pansin ang maletang nakalatag sa kama niya.

"What happened? "

Nagpakawala siya ng hininga at napasabunot ng buhok.

"Galit siya sa'kin. "

"Ano ba kasing ginawa mo at nagalit siya? "

"I punched her friend. "


Salubong ang kilay na tiningnan ko siya.

"Bakit mo ginawa 'yon?! "

"Gusto siyang agawin sa'kin. Nainis ako kaya sinuntok ko. "

Inis na pinalo ko siya sa balikat.

"Napaka-basagulero mo talaga! Buti 'di ka dinemanda ng kaibigan niya? Kaya naman pala dapat magalit si Ash. Kasalanan mo naman pala pero ikaw pa ang may ganang mag-emote. Iba ka rin eh no?"

Hinila niya ang maleta at ipinagpatuloy ang pagpasok ng mga damit.

"Ate kasi eh! Kasalan ba magselos? Mahal ko 'yong tao eh. Akin lang si Ash at ako lang dapat ang mahalin niya. Alam niya naman na gusto ko siya pero ayaw niyang sumugal kasi baka 'di raw ako seryoso dahil puro raw ako biro. Anong magagawa ko? Ganito na talaga ako eh. Saka bakit mas pinapaniwalaan niya pa ang mga sabi-sabi ng iba? Hindi ba ako kamahal-mahal? "

Tahimik na pinagmamasdan ko lang siya. He's serious about Asheria. Totoo nga 'yong sinabi niyang ang taong para sa kaniya ay siyang magpapabaliw sa kaniya. He's head over heels to Asheria Eunice Sebastian.

"Saan ka pupunta? Bakit may pa-maleta ka? "

"USA"

"What?! Anong gagawin mo ron? Ilang araw ka ron? "

"I don't know"

Nakasunod lang ang nata ko sa bawat kilos niya.

"Kailan ang flight mo? "

"Mamayang madaling araw. "

"Kaya pala stress sa'yo si Mommy! Bakit naman agaran, Ace Lionell Caled? "

"S-Sabi niya ilugar ko raw pagseselos ko. "

Pumiyok 'yong boses niya at alam kong naluluha na siya.

"Anong kinalaman non?"

"Ilugar ko nga raw kasi pagseselos ko kaya pupunta akong US! Kala niya ah! Saan pang lugar ang gusto niya? Asa siyang mamimimiss ko siya. "

Parang gusto ko na lang maglupasay sa sahig niya. Mukhang wala na talagang pag-asa sa mundo si Ace.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now