Chapter 11

10.1K 267 10
                                    

OPPOSITE of what Caleb said, sahalip na walang isipin ay hanggang umaga yata bukas ang mata niya. She can't even sleep because she keeps on remembering when did she demand a thing.. or if there's really a situation like that.

Nangyari ba iyon noong nalasing siya? Umayos naman na siya pagkagising kaya't bakit hindi niya maalala..

Wearing her Robe Victorienne, she went downstairs to have breakfast. Naalala niya na may shoot pala siya ng 9. Ni hindi pa nga siya naliligo dahil talagang gutom na siya. Alak lang yata ang laman ng sikmura niya.

Ngunit agad na tumikom ang labi niya nang makita si Caleb na prenteng nakaupo sa dining. Nandoon rin ang parents niya. Nang makita siya ng ina ay ngumisi lang ito.

"Hija, Caleb said that he's dropping you off in work? Pero hindi ka man lang nag.. " Tumigil ito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.

Pinamulahan siya ng pisngi lalo na nang tumama ang mata ni Caleb sa buhok niyang.. alam niyang.. wala sa wisyo sa ngayon. Pati ang suot niyang pantulog ay nakalaylay na sa balikat.

Daddy just nodded. "Ayusin mo muna ang sarili mo, anak. Nakakahiya naman kung haharap ka sa nobyo mo ng gan'yan.. "

Lumaki ang mata niya at napasulyap kay Caleb na may multo lang ng ngiti sa labi. Uminom naman ng tsaa ang ina, tinatago ang ngisi.

"H-He's not my boyfriend, Daddy! We're.. w-we're.. friends.. " humina na ang boses niya sa huling sinabi nang makitang mariin lang na nakatingin si Caleb sa kan'ya.

She heard his father sighed. "Kahit na, hija. Hindi naman tama na haharap ka sa kaibigan mo ng gan'yan. Sige na't baka mahuli pa kayo. "

Nahihiya siyang tumalikod. Ano na lang ang iisipin ni Caleb sa kan'ya? Baka nga may gound pa niya sa mukha!

Nang hindi na siya tanaw ay kumaripas siya ng takbo sa kwarto at pumasok sa banyo. Confident siya na maganda siya kahit bagong gising. May mga pagkakataon nga lamang na.. katulad nito. Siguradong mugto ang mata niya dahil sa puyat!

Dali-dali siyang naligo. She changed to a black halter top and a wrap skirt. Pinaresan niya lang ito ng wedge. For her accessories, she wore a lavalier necklace, the earrings Caleb gave her, and a cross over bracelet. Sa singsing naman ay matagal na siyang may suot noon. It was a chain ring she bought years ago.

Dahil ayaw niyang basa ang buhok kapag pupunta sa trabaho, she dried her hair with blower and fixed it for a messy bun. Some strands are falling, adding for the fun. And for the finishing touches, she just put a gloss to her lips.

Bitbit ang wristlet na bag, bumaba ulit siya at naabutang kinakausap ng parents niya ang lalaki.

Tinanguan siya ng ina. "Sit, Kelly. " ani nito at nagtawag ng kasambahay.

Tahimik lang siyang umiinom ng tsaa, ang mommy naman niya ay patuloy parin ang panggugulo kay Caleb. Katulad na lang ng..

"I'm glad that you are friends with my daughter, hijo! I'm always worried about who is she meeting daily! Kaya naman nang malaman kong magkaibigan kayo ay napanatag ako.. " Isa lamang iyan sa mga bukam-bibig ni Mommy. O kaya..

"My daughter's very talented, hijo! Seryoso din siya sa trabaho and she manage her time perfectly! She's a good woman too.. at talagang focus sa isang bagay. Aside from that, she's very elegant! She's fashionable and.. "

Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ng ina. Hinayaan na lang niya dahil totoo naman.

Doon niya lang din nakita ang suot ni Caleb. He's in casual clothes! Parang walang trabaho..

He was wearing a white polo, chinos and loafers. Damn, he really knows how to get that polos on!

Tumikhim siya, nahihiya sa sariling pag-iisip.

Billionaire Diaries #2: Caleb AcostaWhere stories live. Discover now