Chapter 26

8.3K 296 37
                                    

tw: death

ITINAPIS NI KELLY ang roba sa katawan at gulat na bumagsak ang tingin sa sahig dahil sa narinig. Hindi niya akalain na.. ganoon.. at halos siya tulala na lang.

"I'll.. go home.. "  Caleb looked at her.

Tumango siya. "You should. I-I'll see if I can also go home tomorrow.. "

Caleb kissed her temples for goodbye. Hanggang sa makaalis ito ay lumilipad lang ang utak niya kung saan.

"C-Comatose?" Kinumpira niya kay Freesia habang nasa skype sila.

Freesia sighed. "Oo. Senyora Felicima received an emergency treatment pero siguro dahil sa edad.. she's still unconscious and the doctor said that she might not likely wake up anytime soon. " Tumikhim ito. "Luckily, it's unruptured aneurysm. Iyon nga lang, pagkatapos ng coiling, bumigay ang katawan nito. "

So at the next day, she breached a contract for Amsterdam shoot. Galit na galit ang manager niya. Kalat na rin sa media ang pagtanggi niya. It's fine. She'll fix it soon.

Nalalapit na rin ang kasal ng kapatid niya pero wala siya sa wisyo. Pagkauwi ng bansa ay dumiretso agad siya sa hospital. She saw Caleb's father outside of the room. Napakurap siya. It isn't the first time he saw him but..

Tumingin ito sa kan'ya at bahagya lang ngumiti bago ibinalik ang atensyon sa kausap sa cellphone. Nakahinga siya nang maluwag doon at inilibot na lang ang paningin hanggang sa makita si Journey na lumabas ng pinto ng kwarto. Simple lang ang suot nito. Mukhang hindi pumasok.

"Journey.. " pukaw niya sa atensyon nito kaya't napatigin sa kan'ya ang dalaga. Gulat pa itong napatingin sa kanya.

"Ate.. akala ko.. "

Ngumiti lang siya at hinila ito paupo sa may mababang bangko.

"Did you eat? I brought your brother some and I packed for you too. " Pakita niya sa paper bag.

"I ate with Daddy, Ate. Si Kuya ang hindi pa. He went somewhere and he's still not coming back. I'm getting worried. "

Tumango siya at sinubukang tawagan ito. She pursed her lips when she can't contact him. Pinatay yata ang cellphone.

Binisita lang niya ang Senyora at nag-iwan ng prutas sa kwarto nito. She keeps on getting emotional. Siguro ay dahil bago pa man niya magustuhan si Caleb, she first looked up to the lady of Acosta.

Sa araw na iyon ay hindi niya nakita si Caleb. Kinabukasan ay bumalik ulit siya abroad. She doesn't want to be a trouble to anyone. Lalo na sa manager niya na ilang taon ding humahawak sa kan'ya.

Sa mga sumunod na araw ay nakakausap naman niya si Caleb. Ngunit kadalasan ay ilang minuto lang. At minsan, hindi pa sumasakto ang mga oras nila.

Kelly built herself to be a professional. She mastered everything for her career. At madalas tumatakbo ng maayos ang trabaho niya. She can't remember the last time she made a mistake with her chosen field. But in the span of a week, she really messed up.

"10 minutes break, Kelly! We've been at this for an hour! What's your problem?!" Iyon ang naisigaw ng director.

She sighed and immediately went to the dressing room.

"Pro? Elite Model? She's like an amateur, " a co-model, which she can't remember the name, said. Hindi na niya iyon pinansin at sumalpak lang sa sofa. Dali-dali niyang binuksan ang cellphone at napabuntung-hininga nang walang makitang kahit anong galing kay Caleb.

After so many cuts, she went home, exhausted. Para bang iyon na ang pinakamahirap na naging shooting niya. Kahit sa totoo ay katulad lang iyon ng mga normal. She just can't keep up herself and stick to her thing. Nasa ibang sitwasyon talaga ang utak niya.

Billionaire Diaries #2: Caleb AcostaWhere stories live. Discover now