Chapter 27

8K 279 16
                                    

"SO YOU BROKE up with your man?" pang-aasar ni Lily sa kan'ya.

Padabog siyang umirap at sunod-sunod na uminom ng alak. Might as well empty Lily's pocket. Party naman ito. Free drinks!

Umiwas siya ng tingin nang makitang pumasok si Damien at Zadrick sa bar. Of course, this is Damien's own bar. Napatigil pa ang dalawa nang makita siya at bahagyang nagsikuhan.

"You know them?" tanong sa kan'ya ni Lily.

Tumango lang siya at hindi na tinapunan ng tingin ang dalawang lalaki.

May mga lumapit sa kanilang grupo ng foreigners pero tinataboy naman ni Lily. It's a good thing. Wala pa naman siyang lakas para paalisin ang mga ito.

Sobrang lasing na siya. Siguro dahil sa ilang oras niya sa bar ay halo-halo na ang iniinom niya. Lily didn't left her table. Baka daw bigla siyang mawala dahil wala pa naman siyang sense of direction.

She's actually expecting a party with lots of Lily's friends and acquaintances. Pero ngayon niya lang napagtanto na sila lang pala talagang dalawa. Paano, wala naman daw itong ibang friends. Nasa honeymoon somwhere din si Eli.

"Why did he broke up with me that way? Huh, Lily? Talagang sa message lang! He could've just talk to me in person! So I'll know his reason! Alam kong.. alam kong ako naman ang nag-open up ng bagay na iyon but it's been.. months, right? I just can't understand him! Do you think he met someone else? Kaya't hindi niya rin ako kinocontact? Because he's afraid that I'll get mad at him for cheating on me?"

Inagaw sa kan'ya ni Lily ang alak pero hinila niya iyon at agad na ininom.

"He's too unfair. I... I waited for him! Baka nga.. baka nga mas nakahanap siya ng mas maganda sa akin tapos.. tapos ngayon ay naroon siya kasama ang babae?"

Lily sighed. Siya naman ay naiiyak na talaga. How could he? Kaya niyang tumanggap ng break up pero hindi sa ganitong paraan! And she called him again but he's not answering! She just wanted a reason. Dahil kapag may rason na.. sa mga susunod na taon ay hindi na siya mababaliw kakaisip kung bakit.

She'll moved on fast. Hindi niya mamamalayang nakalimutan niya na ang lahat dahil tanggap niya ang rason. Dahil binigyan siya ng rason. Pero ngayong hindi.. at wala.. will she live the next years of her life seeking for a reason?

"Malay mo naman wala siyang babae. He just got so tired? He's mourning and doesn't have any time for romance? Baka naisip niya na mas mahihirapan ka kapag pinagpatuloy niyo ang relasyon niyo?" si Lily.

Sinamaan niya ito ng tingin. Napanguso naman ang babae.

"Kung ganoon diba.. bakit hindi siya ang magsabi ng rason? I called him! He didn't answer! Kasi kapag ako makikipaghiwalay sa kan'ya, sasabihin ko ang rason! Before I run away from him, I'll give him his rights to know! Dahil ganoon dapat! So we'll both gain a courage to move on from each other!"

Natahimik si Lily. Nang uminom ulit siya ng alak ay hindi na siya pinigilan ni Lily.

Kaya naman parehas na silang lasing. Naghahagikhikan na silang dalawa at pagkatapos ay magmumukmok ulit.

"Paano.. paano kung hindi nagawang sabihin ang rason dahil.. iyon ang tama?"

Pinitik niya ang noo nito. "Ano namang tama sa pagtago ng rason? To protect your lover? To protect yourself? Bakit.. bakit kailangang itago? Do you want the past to haunt you for life?"

"Well.. say that at that time.. that's the only thing you can do. "

Umiwas siya ng tingin. "Then why didn't you search for another way. That's the only thing you can do? There's a series of choices. You're just afraid to pick an option because you might be wrong. So you resort on choosing a way that is average. The one you already knew the conclusion. "

Billionaire Diaries #2: Caleb AcostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon