Chapter 63

3.8K 180 22
                                    


Paglabas ko ng restroom wala si France at si Ziljan lang ang naghihintay sa akin. Kahit kailan talaga nakakabwisit ang bodyguard na yon. Tama bang iwan ako mag-isa kasama ang babaeng 'to. Kainis.

Sabay kaming bumalik sa room at pagpasok ko ay napansin ko agad na tatlo lang sila ang nandito. Wala si Tita Madz. Saan kaya sila nagpunta? Parehas silang wala ni France.

Pag-upo ko pa lang ay narinig ko ang pagtikhim ni Tito Ricardo.

"Masyado nang lumalalim ang gabi kaya dapat nang sabihin kay Lauren."

Naguguluhan na sumulyap ako kay Dad. Don't tell me hindi pa tapos ang mala-nuclear bomb nilang announcement?!

Nakakaramdam na ako ng kaba sa sasabihin nila. Parang nase-sense ko na kung ano ito pero pilit kong ibinabasura ang thought na yon. Napalingon ako kay Dad nang hawakan niya ang kanang kamay ko, na kanina pa nanlalamig. Ngumiti siya na parang kino-comfort ako.

"Ngayon gabi na mismo ang engagement niyong dalawa. Dahil tatlo o apat na buwan lang ang hihintayin natin para sa kasal."

What the fck?!

"No," Mabilis na sagot ko. "Hindi ako papayag!" Sinaway ako ni Dad pero hindi pa rin ako tumigil. "Ngayon lang kami nagkakilala tapos engage agad?" This is fcking and damn unbelievable!

Napakasama na nilang magulang kung ipipilit pa nila!

"Hindi na bago ang ganito, Lauren." Si Tito Ricardo ang nagsalita. "Me and Marco are both businessmen. Ang mga desisyon namin ay para sa ikabubuti ng business at pamilya namin." Pinagkatitigan niya ako gamit ang kanyang mala-abong mga mata.

I sighed. "Kung hindi si Letizia ang papakasalan ko, wag na lang." Tumayo ako at inilapag sa ibabaw ng table ang napkin.

Hindi ko na kaya pang manatili rito. Nas-suffocate ako.

"Lauren, maupo ka." Madiin na utos ni Dad.

"Sinong Letizia? Kanina ko pa sinabi na wala kaming anak na Letizia."

Napakuyom ako dahil alam ko na ang lahat pero bakit itinatanggi pa rin ni Tito Ricardo?

"Letizia? Di ba twin siya ni Olivia?" Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "Si Eli at Letizia ay iisa lang. Kaya hindi ako papayag sa kasal na 'to kung hindi siya."

Hahakbang pa lang ako pero nahinto nang magsalita na naman si Tito Ricardo.

"Nakakasigurado ka ba na isang Villafuerte ang Letizia na tinutukoy mo?" May panghahamon na tanong niya. "Kung isa nga talaga siyang Villafuerte, paano siya naging personal bodyguard mo?"

Natahimik ako sa mga tanong niya. Muli kong inisip ang clues na ibinigay niya sa akin lalo na ni Olivia.

"Hindi ka sigurado?" Patago kong nakagat ang ibabang labi ko dahil nakangisi na siya ngayon. "Look at Ziljan, Olivia and Luke. Mukha bang papasok sa isang dangerous profession ang mga anak ko? Katulad ng pagiging isang bodyguard ...lang?"

Hindi ako makapagsalita dahil para niya akong iniipit sa isang krimen na hindi ko naman ginawa.

"Matagal na namin napag-usapan ang mangyayari para sa mga panganay namin. Para sa ikabubuti niyong dalawa itong ginagawa namin."

Nalipat ang tingin ko kay Ziljan at tahimik lang siya na umiinom ng wine. Wala ba siyang balak na tumutol sa pinaggagawa ng mga magulang namin?

"Here." Bumalik ang tingin ko kay Tito Ricardo pero, naagaw ang pansin ko sa isang maliit at pulang box, na nasa ibabaw ng table. Kahit hindi ko pa nakikita ang laman nito ay alam ko na. "Dito na nagtatapos ang dinner natin. Sana ay naging maganda ang gabing ito para sa ating lahat." Matapos sabihin ito ay tumayo na siya.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon