Chapter 38

16.5K 570 25
                                    

Nagising akong wala na si Letizia sa tabi ko. Lagi na kaming tabi matulog dahil gusto niya at gusto ko rin. Tumingin ako sa digital clock na nasa bedside table rin. Four in the morning at sa pagkakaalam ko ngayong araw kami pupunta sa Mt. Daraitan sa Tanay, Rizal. Excited na tumayo ako dahil ngayon lang ako makakaranas ng ganito. Pupunta na sana ako sa bathroom para maligo nang bumukas ang pinto. Pumasok si Letizia at nagtatakang tiningnan ako.

"Bakit?" Tanong ko. Parang hindi maganda ang gising niya

"Saan ka pupunta?"

"Sa bathroom, di ba ngayon tayo pupunta sa tinutukoy ni Ash?"

"About that.. hindi na tuloy ang punta natin doon kaya matulog ka na ulit"

"What? Bakit? Akala ko ba ----"

"Matulog ka na.."

Inis na bumalik ako sa kama at tinalikuran siya ng higa. Ano na naman bang problema? Mukhang hindi talaga maganda ang gising niya. Pumikit na lang ako at piniling matulog ulit, inaantok pa kasi ako.

Alas nuwebe y medya na ako nagising. Wala si Letizia at nakakapagtakang hindi siya ang una kong nakita ngayong gumising ako pati kanina. Napansin kong may nakahanda nang breakfast sa bedside table. May nakadikit pa na sticky note sa mug.

Kinuha ko ang note bago inumin ang hot choco. Binasa ko ito at hindi ko naman maiwasang mapangiti.

"Pumunta ka sa park ng village, alas quatro ng hapon. Sa swing mo ako hintayin."

- Letizia

Lumabas ako ng kuwarto at kinatok siya sa katapat lang ng room ko. Walang sumasagot kaya pumasok na ako sa loob at walang bakas na nandito siya. Malinis at maayos na ang kuwarto niya kaya lumabas na ako. Bumaba ako at nakita ko si Bea na nakatayo sa pintuan papuntang garden.

"Bea.."

Lumingon ito sa akin at ngumiti. Napataas ang kilay ko dahil pangiti-ngiti pa siya.

"Bakit?"

"Nasaan si Letizia?"

"Ah. May kailangan lang siyang asikasuhin. Bakit mo hinahanap?" Nanunuksong nginitian niya ako

"Wala lang.. pero anong oras siya uuwi?"

"Hmm... siguro four ng hapon"

Naalala ko bigla ang nakalagay sa note na iniwan niya. Alas quatro kami magkikita sa park dito lang sa village.

"Oh? Bakit parang kinikilig ka dyan?"

"Wala. At tsaka lumayas ka na nga sa harap ko. Panira ka ng umaga."

Natatawang umalis naman siya sa harap ko. "Excited na siyang umuwi ang isa.." pahabol niya pa at inirapan ko lang siya.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may relasyon silang dalawa ng pinsan ko. Sa pagkakatanda ko straight si Sharlie at never ko silang nakita na nag-usap ng matino. Dahil sa tuwing nandito si Sharlie ay sinusungitan niya ng bongga si Bea. Tapos malalaman kong sila na? Wow iba rin itong si Bea, pinsan ko pa talaga. Pero okay na rin iyon at hindi si Stacy. Speaking of Stacy, buhay si mom kaya dapat na ba akong makipag-ayos sa kanya?

Mag-isa lang akong kumakain ng lunch sa dining room at pinalayas ko yung mga nandito dahil wala ako sa mood. Hindi man lang kasi siya nagte-text tapos si Bea ang hilig mang-inis. Lumabas ako ng dining room at hinanap siya. Nakita kong pangiti-ngiti siya habang ng nagte-text. Hindi niya pa ako napapansin dahil busy pa siya kaya maingat na pumunta ako sa likod niya para gulatin siya. Nung hahawakan ko na ang balikat niya ay sobrang bilis ng pangyayari at nasa likod ko na siya habang hawak ang kamay ko.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon