Chapter 53

16.7K 546 111
                                    

Lauren

Tuesday Morning.

Lahat ng estudyante na nandito sa cafeteria ay busy sa mga ginagawa nila. Halatang walang problema sa buhay ang iba, samantalang ang karamihan ay problemado sa lovelife nila. Geez, mas malala pa nga ang pinagdadaanan ko kaysa sa kanila. Ako, araw-araw may threat sa buhay ko.

Ang dalawang nasa harap ko naman ay busy sa kuwentuhan. Lovelife din ang topic nilang dalawa. Akala mo naman seryoso talaga sila sa mga nakakarelasyon nila. Psh.

"Juice?"

Naialis ko ang pagkakapatong ng chin sa palad ko at nag-angat ng tingin. It's Tyra. Full smile pa ang babae. Alam naman niyang di ko siya nginingitian pero todo pa rin makangiti.

Kinuha ko ang baso na may laman na juice na inaabot niya. Wala naman akong balak kumain dahil wala talaga akong gana. Ininom ko ang binigay niya at yun din ang hudyat sa pag-upo niya sa tabi ko.

"Hindi ko pa rin makalimutan ang ayos mo last weekend."

Nakaangat ang isang kilay na hinarap ko siya. "Uhm.. okay?" Halata naman dahil tuesday na di mo pa rin makalimutan.

Ngumiti siya na parang may binabalikan na alaala. "Anyway, nakita kong sumakay ka sa ibang kotse at hindi sa kotse ng personal bodyguard mo."

Mula sa gilid ng mata ko. Napansin ko na nakuha ang atensyon ng dalawa na nasa harap namin. Sina Ashley and Jeremie. Ngayon lang ata nila napansin ang katabi ko.

"Eh? May kalaguyo ka pala Laur? Lagot ka."

"Wala akong kalaguyo." Sagot ko kay Ash

"Mauuna na ako."

Umalis si Tyra at nakangiti pa siya. Sinadya niyang iwan ako sa dalawang matanong na kaibigan ko.

"Sino ba may-ari ng kotse?"

"Jem, sabi ko sayo eh. Straight talaga ang manok natin."

"Hindi pa naman natin alam kung lalaki or babae. Sino nga Laur?"

Di talaga ako titigilan ng dalawang 'to. "Mag-uumpisa na ang klase natin." Tumayo ako at nagpaalam na pupunta lang muna ako sa ladies room.

Nagdahilan lang ako para takasan ang mga tanong nila. Kilala ko ang dalawang 'yon, hindi sila titigil. At isa pa, wala ako sa mood sumagot.

Hindi na nga maganda ang araw ko dumadagdag pa sila.

Kanina, bago ako sumakay ng sasakyan, hindi na rin maganda ang pakiramdam ko. I feel exhausted. Yung pagod na nga ang katawan ko, pati pa ang isip ko.

After nung nangyari last weekend, nakakatanggap na naman ako ng death threats. Like what the fck? Nagkaroon lang sila ng ilang months na vacation, heto't nagbabalik na naman sila.

Ano ba talaga ang kailangan nila at ako pa talaga ang naisipan nilang guluhin? May mga kidnappers pero hindi naman sila hihingi ng ransom dahil buhay ko ang gusto nila.

Kahit na nandyan si Letizia? Hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng takot. Takot para sa kaligtasan ko at sa kanya. Alam kong hindi madali ang ginagawa niya. Kung pwede lang na itigil na niya ang pagiging personal bodyguard ko at manatili na lang sa tabi ko.... bilang lover. Yung hindi na nakataya ang buhay niya araw-araw.

Paano kung one of these days... mangyari ang kinatatakutan ko?

Ugh, ang alam ko walang kinatatakutan ang isang Lauren Ruiz!

"Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo?!" Salubong ang kilay na hinarap ko ang taong nakabangga sa'kin.

Si Tyra Ferrer na ang lawak ng ngiti. Para siyang sira. May gana pa siyang ngumiti? Eh, muntik na kaya akong ma-out balance sa ginawa niya! At sandali nga lang, akala ko ba nauna na siyang bumalik sa room?

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon