Chapter 11

27.9K 790 66
                                    

Kahit late na ako nakatulog ay maaga pa rin akong nagising. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi ko dahil sa ginawa ko kagabi kay Letizia, kakainin mo rin yang punishment mo.

Bumangon na ako at nagbabad sa shower. Himala? Hindi ako ginising ni Letizia pero kailangan maging handa ako baka may binabalak ang babaeng yon. Bumaba na ako at naabutan kong nagpre-prepare ng breakfast ang ibang kasambahay kasama sina Yaya Ana at si Bea na kung makapag-messy bun akala mo naman bagay sa kanya, nagmumukha lang siyang labandera hmp! Wala na, sira na ang araw ko!

Nagpapaganda ba siya kay Letizia? pwes hindi siya maganda!

Nakaupo na si Letizia sa tapat ko at kumakain naman ako ng pancake na may strawberry syrup, my favorite. Sumulyap ako sa direksyon niya pero ang walanghiya! after niyang uminom ng kape ay dinilaan niya ang lower lip niya habang nakatitig sa akin. Sht! Ito ba ang ganti niya sa ginawa ko kagabi?!

Ang hot niya! My God! Inaakit na naman ako ng isang Diyosa na bumaba galing sa Mt. Olympus. Mas nauna lang akong bumaba sa kanya at naghasik ng kagandahan. Ugh! Ito pala ang meaning ng smirk niya kagabi!







▶▶▶Flashback

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog dahil sa lintik na babae na yon. Parang pinapalabas niya na gustong-gusto ko ang halik niya. Yung totoo? Oh! Shut up! Pero may isa pang gumugulo sa akin, sino si Olivia?! H'wag niyang sabihing girlfriend na niya yon! Naghanap pa talaga ng iba, eh nandito na sa harap niya ang isang Diyosa na tulad ko. Naiirita talaga ako! Bumangon ako at tumingin sa phone ko para malaman kung anong oras na. 11:44PM and 16 minutes before the start of my punishment. Hmm... Tingnan natin kung sino ang unang maghahanap. Hindi niya dapat binibigyan ng punishment ang isang Lauren Ruiz at hindi na dapat siya maghanap ng iba.

Evil smile

Lumabas ako ng kuwarto at pumasok sa katapat na silid, kay Letizia. Wala siya sa loob siguro nasa loob ng bathroom dahil naririnig ko ang agos ng tubig na nagmumula sa shower. Umupo muna ako sa kama at pinagmasdan ang loob ng silid niya. Sobrang simple lang ng room niya, hindi masyadong girly.

Habang naghihintay ay tinatapik-tapik ko ang mga paa ko sa sahig habang naka-straight ang binti ko. Bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas si Letizia, parang nagulat siya pero agad din nawala. Nakasuot siya ng puting tank top at jogging pants, ang hot niya leche.

"May kailangan?" Tanong niya habang nagpupunas ng basa niyang buhok.

Mukha talaga siyang Diyosa sa Mt. Olympus pero ako ang pinaka magandang Diyosa.

"Hmm... Ata?" Kumunot ang noo niya. "Di ba bukas ang start ng punishment mo sa akin?" Tumango lang siya at naglakad papunta sa harapan ko.

Ano ba yan! Bakit dito pa siya sa harapan ko pumwesto?! Nakaka-distract! Pero okay na 'to. Bibigyan ko rin siya ng punishment dahil binigyan niya ako kanina.

"Bakit mo natanong?"

"Ano..." Ano bang sasabihin ko? "L-lapit ka ng kaunti, ibubulong ko sayo." Gosh! Ngayon ko lang gagawin 'to. Si Lauren Ruiz pa ba ako? Oo ako 'to dahil maganda eh! Ginawa naman niya ang sinabi ko at pa-simple ko siyang inamoy, ang bango niya.

"May binabalak ka ba?" Bigla akong kinabahan sa tanong niya.

"H-ha? wala ah."

Nag-iwas ako ng tingin pero inilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya humarap na ako sa kanya. Hinalikan ko na siya dahil hindi ko na kaya pero peck lang. Tiningnan ko kung ano ang naging reaction niya, ganon pa rin. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin pero may ano eh... May kakaiba sa mga mata niya at hindi ko yon maintindihan.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon