Chapter 50

15.4K 489 69
                                    


Letizia

Nang makalabas siya sa VIP room kung nasaan kami ay doon na ako tumayo. Magta-tantrums na naman siya kung makita niyang sinusundan ko siya.

"Zia, kapag inaway ka niya? I-kiss mo agad! Tameme yan panigurado."

Umangat ang gilid ng labi ko bago sinagot si Ashley. "You don't have to remind me, gagawin ko talaga yan." Nginisian niya ako at inabot sa akin ang isang cocktail drink. "Hindi ako pwede."

"Ang sabihin mo, weak ka lang." Siya na ang uminom ng inaabot niya kanina.

Napailing ako sa isip-isip ko. Parehas lang silang magkakapatid. Hilig mang-asar.

"Sundan mo na si Laur, baka kung saan pa mapadpad ang babaeng 'yon. Nung huli kasing nalasing siya, hinamon niya ng suntukan mga nakakasalubong niya."

Tumawa bigla si Ashley na parang may naalala. "Oo nga pala! Tapos ang pinaka-epic sa lahat yung hinamon pa niya non ang daddy niya ng suntukan!"

"Hindi nga? Si Tito Marco talaga ang hinahamon niya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Oli.

"Oo, napapailing na lang kaya si Tito Marco sa inaasta ng anak niya."

Tinungo ko na ang pinto at hinayaan na silang magkwentuhan. Gusto ko pang manatili rito para makinig sa mga kalokohan ni Lauren kapag lasing pero kailangan ko pang siguraduhin ang kaligtasan niya.

Natanaw ko siya papasok sa kanang bahagi ng bar kung saan matatagpuan ang restroom. Naglakad ako at hindi siya dapat mawala sa paningin ko. Maraming tao ngayon sa bar. Sakto namang pagliko ko ay may nakabangga akong lalaki. Nahulog ang dala niya sa floor at umangat ang kilay ko nang mabilis niya itong dinampot. Nagmamadali siyang naglakad palayo sa akin habang nakayuko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa matanaw ko siyang umupo sa isang table. May kasama pa siyang tatlong lalaki na katulad niya ay nakasuot din ito ng itim na jacket pero siya lang ang nag-iisang nakasuot ng cap na itim.

Tumingin muna ako saglit sa pinto ng restroom para sa mga babae bago naglakad papunta sa pinaka gilid. Ang parteng wala masyadong dumadaan na tao. Kabisadong-kabisado ko na ang pasikot-sikot sa bar ni Oli. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng suot kong jacket at mabilis na nag-dial ng number.

(Napatawag ka? Pwede namang sabihin yan pagbalik niyo rito.)

"No.." tumingin muna ako sa paligid bago nagpatuloy. "Are you allowing your customers to take ecstasy drug?" Sinigurado kong mahina lang ang boses ko para walang makarinig.

(What?! No! At saan mo naman nakuha yan? Hindi ko pinapayagan na magpasok ng kahit anong drugs sa bar ko!)

"Listen.." Masyadong masakit sa tenga ang sigaw niya. "May nabangga akong lalaki kanina at nahulog sa floor ang dala niyang isang sachet na may laman na four tablets ng ecstasy."

(Shit. Paano nakapasok yan? Mahigpit ang security ko lalo na sa mga pumapasok rito.)

"May mga kasama rin siya at nakaupo silang apat sa isang table. Naka-all black sila at siya lang ang nag-iisang nakasuot ng cap. Kumilos ka na. Those guys are suspicious."

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanila. Nakakapagtakang naipasok nila sa loob ng bar ang drug.

(Wow ha? Alam mo ba kung ano ang ayaw ko? Yung inuutusan mo ako.)

Heto na naman siya. Magsasalita pa sana ako pero natigil nang makarinig ng usapan malapit sa kinaroroonan ko.

"Nasa restroom si Ruiz, parang di kami nakilalang dalawa na classmate niya."

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon