Chapter 16

26.6K 692 27
                                    


Bang

Bang

Bang

Bang

Bang

"Nice shot, Zia!"

Lumapit ang isang babae kay Letizia at binigyan ito ng tubig. Pinunasan pa ang pawis ni Letizia sa mukha pati sa braso at hindi pa nakuntento ang hipon na 'to dahil pati likod ay pinunasan niya rin, kulang na lang yung pulbos. Baby? Baby mo?!

Nakakainis! Tinanggal ko na ang nakatakip sa tenga ko at padabog na inilagay sa gilid.

Ang sabi niya magugustuhan ko raw dito eh punong-puno na ako at kunti na lang ay makakatikim na talaga ang babaeng kanina pa dikit ng dikit sa kanya! Sa aming dalawa siya ang mas nag-eenjoy hindi ako!

Nasa shooting range kami ngayon at gusto raw maglabas ng frustration si Letizia. Ewan ko ba sa babaeng 'to kung bakit kami nandito, siguro para makipaglandian sa harap ko at ipakita na maraming nagkakagusto sa kanya! Humalukip-kip lang ako at sumandal sa pader.

Kunti na lang talaga ang natitira sa pasensya ko...

"Lauren, tama ba?" Tanong nung lalaki sa akin, may itsura naman pero hindi ko type "I'm Jayvee, Zia's bestfriend" inilahad niya ang kamay niya pero hindi ako nagbigay ng atensyon sa kanya

Zia ang nickname ni Letizia, mga close friends or family lang daw ang pwedeng tumawag sa kanya non. So ako? Hindi? Kasi hindi naman kami close friend or family. Hmp. Nakakabwisit! Gusto ko nang umalis dito!

"Ay? Sungit naman ng Mon Amour ni Zia"

Ano nga pala meaning non? Hindi naman kasi sinasabi ni Letizia kapag tinatanong ko ang meaning nung lagi niyang itinatawag sa akin.

"Ano ang meaning non? Hindi ako familiar sa language na ginamit minsan ni Letizia.."

"Buti naman pinansin mo na ako?"

Wow ha? Ang assuming

"Hindi ikaw ang pinansin ko, yung tawag sa akin ni Letizia.." pinaikot ko pa ang mata ko kaya awkward siyang tumawa

"Lauren.."

Tinaasan ko ng kilay si Letizia na tinatawag ako para lumapit sa kanya. Ano siya? Sinuswerte at ako pa talaga ang lalapit?! Tapos nakadikit na naman sa kanya yung babae na mukhang linta.

"Come here.."

"At bakit?" Mataray na tanong ko

"Lalapit ka or wala nang..." tumingin siya sa lips ko

Ayan na naman siya sa mga banta niya! Ito naman si Ako sunud-sunuran sa kanya. Padabog akong lumapit sa kanya at ang linta sa tabi niya ay pangiti-ngiti, sarap suntukin.

"Here.." inabot niya sa akin ang hawak niyang baril "try to shoot the target there.." turo niya sa dulo ng malaking kwarto na 'to

Pwede ba na yung katabi mo na lang ang maging target ko?

Tiningnan ko ang katabi ni Letizia at pansin ko ang paglunok nito. Napangisi ako at nakita yun ni Letizia.

"Hindi tao ang target mo kaya pumwesto ka na dito at ilabas mo doon ang inis mo..."

Kitang-kita ko ang ngisi ni Letizia at mukhang may iniisip na naman na kalokohan ang babaeng 'to. Pumwesto na lang ako tulad ng sinabi niya.

"Iwan niyo muna kami.." utos ni Letizia at umalis na yung dalawang kaibigan niya raw..

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon