Chapter 5

29.2K 923 42
                                    

Nasa living room ako at iritableng nakaupo sa sofa. Hinihintay ko ang paimportante kong personal bodyguard. Ang tagal naman niya? Ilang minuto na akong naghihintay dito sa baba.

"Bea!" Tawag ko rito nang mapansin kong pababa siya ng hagdan.

Lumapit siya sa akin at may ngiti pa sa labi. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya? Nabwibwisit ako.

"Ano po yon?"

"Nasaan si Letizia?!"

"Hindi po ba siya nagpaalam na aalis siya?"

"Tatanungin ko ba kung alam ko?" Sarcastic na balik ko sa kanya. Wala ba siyang common sense?

Tumayo na ako at lumabas. Walang kuwentang kausap. Nakahanda na ang bulletproof car sa tapat ng main door. Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yon?

Pero ano bang pakialam ko kung saan man siya pumunta?! Fu—

"Ma'am pumasok na po kayo sa loob." Pag-interrupt ng isa sa bodyguard ko kaya inirapan ko siya bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.

Nasa biyahe na kami at hindi ko maiwasan ang mapatingin sa gilid namin. Baka kasi sumulpot siya pero wala.

"Ma'am kung hinahanap niyo po si Letizia? Mamayang uwian ay siya na raw po ang magsusundo sayo." Tumaas ang kanang kilay ko sa driver ko. Tumango na lang ako pero nag-init ang ulo ko dahil hindi ko naman hinahanap ang pervert na yon!

"Manong, hindi ko hinahanap ang babaeng yon. Mag-drive ka na lang dyan." Nagcross arms ako at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.

Pasalamat siya maganda ang sinabi niya pero hindi ako excited na makita ang babaeng yon noh!

Nakarating na kami sa school at bumaba na agad ako nang pagbuksan ako ng bodyguard na nakaupo sa passenger side. Pagkadating ko sa room ay nakangiti ang dalawa ng nakakaloko sa akin. Sino pa ba? Sina Ashley at Jeremie. Tinaasan ko lang sila ng kilay bago umupo.

"So... kailan ka pa naging sunod-sunuran sa isang personal bodyguard mo?" Nakangising tanong ni Ashley.

"Baka gusto mong paputukin ko yang labi mo nang tumahimik ka dyan?"

Nag-pout siya sa harapan ko. Hindi naman bagay.

"First time of the century! Napasunod ng isang personal bodyguard ang katulad ni Lauren Hayes Ruiz!" Isa pa 'tong si Jeremie!

Inirapan ko lang sila at nagsuot na lang ako ng earphone pero walang music para kunwari ay hindi ko sila naririnig

"Tayo na lang mag-usap, wala na naman siyang kuwentang kausap." Gusto ko sanang sampalin si Jeremie pero chill lang dapat ako.

Kanina pa ako stress simula nung paghitayin ako ni Letizia. Pwede naman niyang sabihin sa akin kung may pupuntahan siya. Hindi yung pagmumukhain niya pa akong tanga kakahintay sa kanya. Kainis.

Inhale... Exhale...

"Ang hot nung personal bodyguard niya kapag ngumisi noh?"

Oh! Well Ashley San Pedro, sobrang hot niya kapag ginagawa niya—what the f*ck! Anong pinagsasabi mo Lauren?!

"Yeah, pakiramdam ko nga bumaluktot na rin ako dahil don at yung lips niya? Ang kissable." Sabi pa ni Jeremie while giggling. Bakit kailangan pang gumanon?!

"I want to feel her soft lips."

"Damnit! Tumahimik nga kayong dalawa! Ang ingay-ingay niyo!"

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon