Chapter 10 ~

26K 820 56
                                    

Nagawa ko na ito noon, kaya naman magagawa ko ulit ito. Isa kang Ruiz at lahat ay kaya mong takasan pero ano bang connect non sa surname na dinadala ko? Nakakainis.

Kasalukuyan akong nagtatago sa halamanan sa loob ng bakuran namin. Tatakas kasi ako at kahit na magpaalam ako ay hindi ako papayagan. 9:06pm na at may balak kaming mag-bar nila Ashley at Jeremie. Nasa labas na nga raw sila at nilalamok. Nagdadahilan pa sila, eh nasa loob naman sila ng kotse. Ginawa pa nila akong tanga. Kaunti na lang ang layo ko sa gate pero may dalawang guard pa ang nakatayo roon.

"May napansin akong pulang kotse na nakaparada sa gilid." Narinig kong sabi nung isa. Alam kong kotse ni Jem yon.

"Tara check natin—sino yan?!" Sabi nung isa pa. Naapakan ko kasi ang isang sanga ata, tsk binabayaran sila para maglinis sa bakuran! isesesante ko talaga ang hardinero na yon.

"Meow..." Nagpanggap na lang akong pusa. Isang magandang pusa.

"Pare pusa lang pala, h'wag mong sabihing takot ka sa pusa?"

"Hindi noh, tara na at lapitan na natin yung sinasabi mong kotse."

Lumabas ang dalawa at pagkakataaon ko nang tumakas kaya hindi ko sinayang pa at tumakbo ako palabas kaso may nakabangga ako kaya napaupo ako.

"Ano ba?!" Ang sakit ng pagkabagsak ko.

"Where do you think you're going?"

Nung marinig ko ang isang sobrang pamilyar na boses ay napatayo ako ng wala sa oras at hindi ininda ang sakit.

Nakaupo kaming tatlo sa sofa dito sa sala habang nakatayo sa harap namin si Letizia at naka-cross arm pa. Nakapalibot naman ang mga bodyguards sa paligid.

"Girl failed ang pagpuslit mo nahuli tayo." Kamot ulong bulong ni Jem.

"Grabe ang lakas ng pang-amoy ni Letizia, tinutukan ba naman kami ng baril! jusku! mamamatay ata kami ng wala sa oras!" Namumutlang sabi ni Ash.

"Tinutukan mo sila ng baril?!"

"Ano ba ang dapat kong gawin? Kahina-hinala ang kotse at naka-park pa sa gilid ng bakuran ng mga Ruiz." Paliwanag niya.

"Bakit kasi doon kayo nag-park?" Tanong ko sa dalawa.

"Di ba ang sabi mo mag-park kami sa hindi kami makikita pero malapit lang? kaya ayon ang ginawa namin." Sagot ni Jem.

"So, kasalanan ko pang nahuli tayo?!"

"Oo, ang bagal mo kasing kumilos." Sabay na sagot ng dalawa.

Mukha kaming baliw na nagsisisihan dito. Paano ba naman kasi sa lugar pa talaga nag-park na pwedeng mapaghinalaan.

"Enough ladies..." Saway ni Letizia sa amin kaya tumahimik na kami. "Kapag naulit pa 'to? May punishment kayong tatlo sa akin." Tapos napalunok kami nung bigla niyang ikinasa ang baril na hawak niya. Oh my!

"T-teka? b-bakit kasama k-kaming dalawa ni Jem?" Tanong ni Ash at halata sa boses niya ang takot. So, ganon? Iiwan nila ako sa ere? Mga walang kwentang kaibigan!

"Of course, dahil kasabwat kayong dalawa." Masungit na sabi ni Letizia "Umuwi na kayong dalawa." Biglang tumakbo ang dalawa at nagmamadaling lumabas ng bahay.

"Tss.. Ang KJ." Bulong ko at sumandal sa backrest ng sofa.

Sayang may thrill sana ang pagtakas namin kaso ang nakakainis lang dahil nahuli kami.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon