Chapter 1

51.7K 1.2K 102
                                    

Lauren

Kakagising ko lang at inis na tumingin sa direksyon ng pinto dahil nabulabog ang tulog ko. May kumakatok at sinasabing gumising na raw ako. Si Yaya Ana.

"Opo!"

Bumangon na ako at dumeretso ng bathroom. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin agad ako. Naabutan ko si Dad sa dining area na umiinom ng kape habang nagbabasa ng newspaper. Inilapag niya ito sa ibabaw ng table at nakita ko ang pangalan ng pamilya namin sa headlines.

"Look at what you've done!"

"Ang aga-aga Dad ayan agad ang breakfast ko?" Walang gana na tanong ko. Umupo na rin ako sa tapat niya.

Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Tungkol ito sa muntikan nang pag-kidnap sa akin last week dahil tinakasan ko ang mga bantay ko. Ano bang magagawa ko kung gusto kong maging malaya paminsan-minsan? Ayaw kasi ni Dad na nakikita ang pangalan niya sa mga ganong topic. Dahil ang gusto ni Dad ang nasa headlines ay kung paano mas lumalago pa ang negosyo niya.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

"Nagmana po kasi ako sayo." Tinamad na akong kumain.

Sumandal ako sa upuan at nag-cross arms. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kabilang direksyon kung saan hindi ko makikita si Dad. Ang ingay ni Dad, dinaig pa ang mga maiingay na babae.

"Ilang beses ko ba kailangang ulit-ulitin sayo na mainit ka sa mga mata ng mga kalaban ng pamilya natin?" Hindi ako sumagot. Oo paulit-ulit na lang siya na parang sirang plaka. "Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya natin kaya gagawin nila ang lahat para maagaw ang company sa atin!"

"Papasok na ako, wala naman kuwenta ang pinag-uusapan natin." Tumayo na ako at palabas na ng dining area nang magsalita ulit siya.

"May bago kang personal bodyguard."

Hindi na lang ako sumagot at tuluyan nang umalis. Wala naman akong pakialam kung may bago akong personal bodyguard. Dahil pare-parehas pa rin silang lahat na ang trabaho ay bantayan at siguraduhing ligtas ako. Wala na bang halaga sa kanila ang mga buhay nila? Handa silang ibuwis ang buhay nila para lang sa taong hindi naman nila kadugo o kaano-ano.

Binuksan ng isa sa mga nagbabantay sa akin ang pinto ng sasakyan nang makita akong lumabas ng main door. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at kakaupo ko pa lang sa backseat nang mapansin ko ang isang kulay itim na motorbike na huminto sa gilid. Parang familiar sa akin ang motorbike na yon ah? Nang tanggalin niya ang suot na helmet ay halos matulala ako.

Anong ginagawa niya rito?!

"Wait!" Pigil ko sa driver na balak nang paandarin ang sasakyan.

Pinagmasdan ko ang babaeng kakarating lang pati ang paglapag niya ng helmet sa upuan ng motorbike. Nakasuot siya ng itim na leather jacket, white V neck shirt, ripped jeans at black boots na abot sa ibaba ng tuhod niya.

Ang hot niyang tingnan....

Wait! What?! Bakit ko ba pinupuri ang babaeng yan? Nung huling beses na nagkita kami ay ini'snob niya ako! Bwisit siya!

Naglakad siya palapit sa sasakyan kung nasaan ako at kinatok ang bintana ng backseat. Binaba ko naman ang bintana at isinalubong sa kanya ang nakataas kong kilay.

"Ikaw si Lauren Ruiz, tama ba?" Shit! Bakit boses anghel ang babaeng 'to?!

"Hindi pa ba halata? At sino ka naman ha?" Pagsusungit ko.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon