Chapter 22

20.5K 660 48
                                    


Nandito pa rin ako sa hospital at okay na rin dahil hindi tuloy ang date namin nung magiging fiancé ko. May magandang dulot naman din pala ang pagiging tanga ko pero hindi ko na uulitin iyon. Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa tabi ng hospital bed ko at nagbabasa na naman siya. Yumuko ako para makita ang title ng binabasa niya kaso binababa niya ang libro.

"Ano ba Letizia! Tinitingnan ko lang eh!"

"H'wag mo nang tingnan.."

Sumandal na lang ako sa headboard at nakakaboring lang talaga dito. Gusto ko nang umuwi sa bahay.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya pero ang atensyon niya ay nasa libro

Sino ba ang tinatanong niya? Ako o ang libro na hawak niya?

Humarap siya sa akin at itinabi ang libro na binabasa niya.

"Tinatanong kita.. gutom ka na ba?"

"Malay ko bang ako pala ang kinakausap mo? nasa libro kasi ang atensyon mo"

Nakakainis lang talaga kasi parang mas marami pa siyang oras sa libro niya kaysa sa akin. Kapag nahawakan ko lang talaga ang libro na yan! Itatapon ko yan!

Umisod ako palapit sa kanya at pinisil ang ilong niya. Nakakagigil!

"H-Hey! Stop it!"

Tinanggal ko na ang kamay ko at namumula na ang ilong niya. Gosh! Ang cute ni Letizia!

"Bwisit ka talaga.." tinaasan ko siya ng kilay dahil naka-pout siya

"Tss.. You pinched my nose because of your jealousy to my book.." sabi niya habang hinihimas ang ilong niya

"H-Hoy! Imbeto ka! H-Hindi kaya!"

"Talaga lang huh?"

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa kama para mawala ang topic namin ngayon at tagumpay dahil nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Napangiti na rin ako dahil nakakahawa naman kasi ang ngiti niya eh.

"Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka" sabi ko sa kanya habang nakangiti at natawa ako nang nag-blush siya "blushy cheeks.." tinusok ko ang kaliwang pisngi niya gamit ang hintuturo ko

Ngayon ko lang nakita na nag-blush si Letizia at ang cute-cute niya! Ugh! Gusto kong pang-gigilan ulit ang ilong niya dahil sa ka-cute-an niya!

Agad akong napaayos ng upo at ganon din si Letizia. May nagbukas kasi ng pinto at si Secretary Cruz pala. Tumingin ako kay Letizia at sabay kaming napangiti sa isa't isa.

"Whoa, what is the meaning of that smile huh?"

"Wala, bakit ba bigla ka na lang pumapasok?" Napailing siya sa tanong ko at nagkibit-balikat

"May bisita ka sa labas.." sabi niya sa akin at tumingin siya kay Letizia para ngumiti ng nakakaasar bago lumabas

Ano yun?

Hinintay ko naman ang tinutukoy ni Secretary Cruz. Bumukas ang pinto at nanlaki ang mata ko nung makita ang babaeng kakapasok lang. Ang dirty blonde hair niya na mahilig kong paglaruan dati. Napangiti ako dahil tatlong taon ko siyang hindi nakita.

"Jeiden!" Excited na pagtawag ko sa kanya

"Hey.."

Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng big hug kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kailan ka pa nakauwi? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit mas lalo kang gumanda?" Natawa siya ng mahina dahil sa mga tanong ko

"Pwedeng isa-isa lang?" Kumalma muna siya dahil natawa talaga siya "Last month pa ako dumating at hindi ko alam kung bakit lalo akong gumanda.. and last kaya ngayon lang ako nagpakita? I'm just waiting for the right time.." makahulugan na sabi niya

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon