Chapter 59

7.7K 278 29
                                    


Isang linggo na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Letizia. Hindi ko nga rin ma-contact ang number niya.

"Lauren."

Nag-angat ako ng tingin at tiningnan ang babaeng nakatayo sa harapan ko. Nasa living room ako at nakaupo sa sofa.

"Kung wala ka naman magandang sasabihin, umalis ka na sa harapan ko."

Kinuha ko ang throw pillow at inilagay sa ibabaw ng hita ko para suntok-suntukin. Isa pa 'tong si Bea na walang kuwenta. Kapag nagtatanong ako tungkol kay Letizia, ang lagi niyang sinasabi naka-leave. Heck! Ano ba kasing dahilan niya para mag-leave?! Kung may problema man siya? Dapat lang na sabihin nila! Hindi yung pinagmumukha nila akong tanga rito kakaisip at kakatanong sa kanila.

"...personal bodyguard mo." Biglang akong natigilan sa huling narinig ko. Personal Bodyguard? Wait! Bumalik na si Letizia?!

"Where? Where is she?!"

Biglang kumunot ang noo ni Bea sa tanong ko. Magsasalita pa sana ulit siya pero mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa main door.

And there she is!

Nakatalikod siya sa direksyon ko. Nakatayo siya sa tabi ng kulay gray na motorbike habang tinatanggal ang suot na gloves sa kaliwang kamay. Wait? Kailan pa siya nagpalit ng motorbike? Hayst. Whatever.

Mabilis ang mga lakad na pumunta ako sa kanya. Malalagot talaga siya sa akin! Ang kapal talaga ng mukha na magpakita pa sa akin matapos niyang hindi magparamdam at sagutin ang mga tawag ko!

"Letizia!" Mula sa likod ay niyakap ko siya ng mahigpit. Nakakainis. "Where have you been? I miss you." Mas lamang pa rin talaga ang pagka-miss ko sa kanya kaysa sa pagkainis ko.

Naramdaman ko na parang nanigas siya sa ginawa ko at may napansin pa ako. Masyado atang matapang ang perfume niya?

"Lauren, ano ba yang ginagawa mo?"

Lumingon ako kay Bea na nakatayo na pala sa tabi ko. Inalis niya ang braso ko sa pagkakayakap kay Letizia at hinila ako patabi sa kanya. Kahit kailan talaga panira ang Bea na 'to!

"Paniguradong uusok na naman ang ilong ng isa kapag nalaman niyang may niyayakap kang iba at ang malala, napagkamalan mo pang siya."

"What?" Naguguluhan na tanong ko kay Bea na pakamot-kamot pa ng ulo pero mahahalata sa mukha niya ang pagpipigil ng tawa.

"Hindi ko inasahan na..." Wait! Hindi naman ganyan ang boses ni Letizia ah? Kahit pervert yon hindi ganito kaharot ang boses niya! Nalipat ang tingin ko sa babaeng niyakap ko kanina lang at ang unang napansin ko ay ang malaking ngisi sa labi niya! What the f*ck?! And who the f*ck is she?! "Isang mahigpit na yakap at tagos pusong I miss you mula sa isang Lauren Ruiz ang matatanggap ko sa unang araw ko rito." Tuluyan na siyang humarap sa akin habang ang ngisi sa labi ay hindi pa rin nawawala!

F*ck!

Isang babaeng maputi, may mahabang itim na buhok, dark brown ang mga mata at kasing taas lang din ni Letizia. Oh my—sh*t! Did I just hugged this woman!?

"Ganon mo ba i-welcome ang mga nagiging personal bodyguard mo?" Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya.

"Sino ka?!" Annoyed na tanong ko. Sh*t. Nakakahiya ang ginawa ko kanina.

"Oo nga pala. Nakalimutan kong magpakilala," Tumayo siya ng maayos sa harapan ko bago nagpakilala. "I'm France Marquez, your new personal bodyguard."

What?

Nalipat ang atensyon ko kay Bea at binigyan siya ng tingin na magpaliwanag kung ano ba talaga ang nagyayari. Bakit bigla na lang may susulpot na parang kinulang ng bilad sa araw ang magpapakilala na new personal bodyguard ko?

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon