Chapter 65

4.6K 185 41
                                    

Lauren

Kanina pa ako tumatakbo at nagtatago dahil may humahabol sa akin.

"Where are you, Lauren?!"

As if I'll tell her! Kaya nga ako nagtatago dahil ayokong magpakita at magpahuli sa kanya!

"I'll kill you when I see you! So hide well!"

I flinched after hearing gun shots for the nth time. Geez, hindi ba siya nauubusan ng bala at napapagod kakahabol sa akin?

Biglang tumahimik ang buong paligid, at maririnig ang horrific sounds ng mga dahon sa puno kapag humahangin. Imbis na magbigay ng relief sa akin na hindi ko naririnig ang boses ng humahabol sa akin, ay lalo lang ito nakadagdag sa kabang nararamdaman ko.

Kailangan kong makaalis dito. Pero hindi ko alam kung paano. Sobrang dilim ng paligid. Hindi ko na mabilang ang mga oras na tumatakbo at nagtatago ako. Parang wala nang exit ang gubat na 'to.

Damn it! I wanna go home! Hindi pa kami nagkikita ni Letizia kaya dapat makalabas ako ng buhay dito!

"There you are."

Naramdaman kong may dumikit sa sentido ko, sa right side.

"B*tch, alam mo ba kung gaano ko katagal hinintay ang araw na 'to?"

Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim pero yung feminine voice niya ay familiar sa akin. Hindi ko lang matandaan kung kanino, kailan at saan ko narinig.

"P-Please, don't k-kill me." I begged na nagpatawa sa kanya.

"Too late. Ipaparamdam ko rin sa pamilya mo kung gaano kasakit ang mawalan!"

Isasara ko na sana ang mga mata ko pero, nay naaaninag akong tao sa di kalayuan at naglalakad palapit sa amin.

"H-help me..."

Naramdaman kong may humawak sa left hand ko kaya nagmulat ako ng mga mata. May human figure na nakaupo sa edge ng higaan ko. Medyo dim ang room ko at nahihirapan pa mag-adjust ang paningin ko pero, alam kong umaga na. Dahil nakikita ko ang liwanag na nagre-reflect sa curtains.

"L-Letizia? Ikaw ba yan?" Bumangon ako at nang tuluyang makaupo ay niyakap ko siya. "I... missed you..." Humigpit na rin ang pagkakayakap ko sa kanya.

Ang warm sa pakiramdam ng katawan niya at parang hinihila ulit akong matulog.

"I'm not her."

Papikit na ako nang bigla siyang magsalita. Mabilis na humiwalay ako sa kanya at pinagkatitigan siya. Nang nakapag-adjust na ang paningin ko ay doon ko na siya nakilala.

"Z...Ziljan?"

Umatras ako palayo sa kanya, hanggang sa maramdaman ko na ang headboard sa likod ko.

"A-Anong ginagawa mo rito?"

At sa laki ng bahay namin bakit nandito siya sa loob ng kuwarto ko?

"I heard the news about the accident that happened three days ago, so I'm here to check if you're fine."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ginagawa mo ba ito para magpapansin kay Dad? Para isipin nilang mabait ka?" Suspicious na tanong ko.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong tiwala sa kanya. Ito rin ang second time na nagkita kami, unluckily sa loob pa ng room ko. Ano na lang ang iisipin ng mga tao rito sa bahay?!

Pinagmasdan ko si Ziljan. Malamig at blangko pa rin ang mga mata niya, kaya hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo kanina.

"Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin." Tumayo siya habang ang tingin ay hindi naaalis sa mga mata ko. "But in few months magiging asawa na kita, at sisiguraduhin ko na hindi ka na nila masasaktan ulit." Matapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng kuwarto ko.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon