Chapter 20.1

20.1K 674 28
                                    


"Lauren.. gising.."

Napamulat ako at napatingin kay Bea. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nandito ako sa kwarto... ko. Nagtataka kong tiningnan si Bea na parang wala pa akong maintidihan sa nangyayari.

"Kanina ka pa umuungol at binabangungot ka ata kaya ginising na kita.."

"Binabangungot?" Bangag na tanong ko

"Oo, bakit?"

Parang hindi naman bangungot yun. Parang totoo eh? Gosh totoo bang nangyari yun? Dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit ka nandito?" Pag-iiba ko sa usapan

"Pinapatawag ka ng Dad mo may kailangan lang daw kayong pag-usapan"

"H-ha? Eh nag-usap na kami ah?!" Nagulat siya sa pagtaas ng boses ko

"Kakarating lang ng Dad mo so paano kayo nag-usap?"

What the hell! Panaginip lang pala yun?! Parang totoo talaga yung nangyari eh!

"Ano bang ginawa ko nung umuwi ako dito sa bahay?" Tanong ko habang umuupo sa kama

Sinipat niya ang noo ko at parang tinitingnan kung may sakit ba ako. Tinabig ko ang kamay niya at masama siyang tiningnan.

"H'wag mo nga akong hawakan!"

Napabuntong hininga muna siya bago nagsalita "Hmm.. natulog, yun lang"

Napahawak ako sa ulo ko na sumasakit dahil sa kakaibang panaginip ko. Sabi nila kabaligtaran daw iyon sa totoong buhay. Ibig sabihin hindi niya ako mahal?!

"No!" Sigaw ko at binato sa floor ang unan ko

"Lauren, kung magta-tantrums ka na naman? Mamaya na at kanina pa naghihintay ang Dad mo.."

"Isa ka pa!" Binato ko sa kanya ang unan pero agad niya lang itong nasalo katulad ng nagagawa ni Letizia kapag binabato ko siya ng unan.

"Gusto mong i-massage ko na lang ang ulo mo?"

"H'wag na! Paki sabi maghintay siya!"
Tumayo ako at naghanap ng susuotin pero hindi pa rin talaga nawawala sa isip ko ang nasa panaginip ko. May possibility bang hindi niya ako gusto? Napahawak ako sa damit na napili ko.

Subukan mo lang talaga Letizia!

"Isa pa nga pala.. galing dito kanina si Letizia bago umalis baka binigyan ka ng goodbye kiss?"

Napatingin ako kay Bea at ang ngising yon ay masarap alisin sa mukha niya.

"Saan daw siya pupunta?" Tanong ko at nagpipigil lang

"Hmm.. may ipinaasikaso ang Dad mo sa kanya.." sagot niya pero may sinabi pa siya "and she said.. habang tulog ka paulit-ulit mo raw sinasabi ang pangalan niya at yung I love you?"

Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. S-Sinabi ko yun? Pero bakit sinabi sa kanya ni Letizia yun?

"B-Bakit mo naman alam yun?"

"Kasi nga sinabi niya sa akin.." ngisi niya kaya binato ko sa kanya ang hinubad kong t-shirt

"Lumayas ka na nga!"

-

Kahit nandito na ako sa office ni Dad ay hindi pa rin ako makapag-isip ng maayos. Ayaw din tumigil ng utak ko ang pag-iisip sa paniniwala ng iba tungkol sa panaginip. My god! Pati yung sinabi ni Letizia kay Bea.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon