Chapter 47

14.5K 520 90
                                    

Anong araw na ba ngayon? Uhmn.. December 28 at ngayong araw ang birthday ni Olivia. Alam ko naging harsh ako kanina at parang sinira ko na rin ang araw ng birthday niya.

Hinawi ko ang nakaharang na kurtina sa bintana at tanaw ko mula rito sa kinatatayuan ko ang papalubog na araw. Anong oras na pero hindi pa umuuwi si Letizia. Tatlong oras na nga akong nagkukulong dito sa kuwarto eh.

Inilagay ko ang hintuturo ko sa chin  at nag-isip ng magandang gawin para naman makabawi kay Olivia. Nakaisip naman ako ng magandang gawin kaya lumabas ako ng kuwarto and good thing nasa kuwarto niya yung isa.

"Anong ginagawa mo?"

Nahinto ako sa paghahanap ng gagamitin kong ingredients nang  marinig iyon. Humarap ako sa likod at nagtatakang mga mata niya ang nakatingin sa akin.

"You'll see..." tipid na ngumiti ako na ikinataas ng kanang kilay niya. "Di ba birthday niyong dalawa ng twin mo ngayon?" Tumango naman siya. "Magba-bake ako ng home made cake."

Halata ang pagkabigla sa kanya at di kalaunan ay napangiti na siya. "Ngayon ko lang nalaman na marunong ka pa lang mag-bake."

"Lagi akong tinuturuan ni Mom mag-bake noon nung bata pa ako. Baking ang bonding naming dalawa." Tipid na ngumiti ako at ipinagpatuloy ang paghahanap ng mga gagamitin ko.

"Close kayo ng Mom mo noh? Lahat kaming magkapatid close rin kay Mom, except kay Dad. Masyado kasing seryoso ang buhay niya at sa kanya nga nagmana ang kakambal ko."

Kung ganon seryosong tao pala si Eli. Siguro katulad din siya ng papa niyang puro negosyo ang laman ng utak.

"Anong nangyayari rito?"

Parehas kaming napatingin kay Letizia na kakapasok lang ng kitchen. Habang naglalakad ay tinutupi niya hanggang siko ang sleeves ng suot niyang damit. Hindi ko man lang naramdaman na dumating na pala siya. Gusto kong itanong kung saan siya galing pero mamaya na lang siguro.

"Magba-bake raw si Laur. Birthday KO raw kasi." Parang batang binelatan niya si Letizia na taas kilay naman akong tiningnan.

"Bakit siya lang?" Reklamo niya at narinig ko naman yung pagtawa ng isa.

"Hindi mo naman birthday ngayon di ba? Kaya wala ka talaga."

Napasimangot siya at parang batang nagtatampong umupo sa tabi ni Olivia. Tawang-tawa naman yung isa.

"Shut up. Nakakairita na yang tawa mo."

"Bakit ba? Eh sa gusto kong tumawa."

Kung titingnan yung dalawa halata ang closeness nila sa isa't isa. Tumalikod na ako at napailing. Bakit ba pakiramdam ko may connection silang dalawa? Tapos kapangalan pa ni Letizia ang kakambal niyang si Eli....

Wait. Hindi ko nga pala alam kung lalaki or babae si Eli. Hindi ko pa talaga siya name-meet at wala akong alam tungkol sa kanya.

Nahinto ako sa ginagawa nang may isang bagay ang nabuo sa isipan ko. May posibility bang babae si Eli? Kahit pa ang spell ng name niya ay hindi ko rin alam. Pwede rin kasing Eli sa lalaki at El...

Biglang nanlamig ang mga kamay ko, parang nahihirapan pa akong huminga sa lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pangalang nabuo sa isipan ko.

Ellie..

"Okay ka lang?"

Gulat na napaharap ako kay Letizia na nasa tabi ko na pala. Tiningnan niya saglit ang ginagawa ko bago ulit bumalik sa akin. Tumango ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang titig na titig sa kanya. Humilig ang ulo niya at naghihintay kung may sasabihin ba ako. Umiling ako at huminga ng malalim bago nagpatuloy sa ginagawa pero wala rito ang isip ko.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon