Chapter 8

28K 826 40
                                    


Wala akong makita sa paligid dahil sa kadiliman. Nakakarinig ako ng mga ingay sa paligid at nagbibigay ng takot sa akin. Nakakatakot ang tawa nila. Napagtanto ko na nakapiring pala ako at nakatali ang mga kamay sa likod. May nagtanggal ng piring sa akin at bumungad sa paningin ko ang isang madilim na silid at ang tanging liwanag ay mula sa bumbilyang nakasabit sa tapat ng ulo ko. Kinakabahan ako nang makita na marami silang nakapalibot sa akin at nakasuot ng maskara. Gusto ko mang sumigaw ay wala naman salita ang lumalabas sa bibig ko. May isang lalaking nakamaskara ang lumapit sa akin. Ang maskara niya ay katulad sa movie na 'the purge'.

Nasa isang Purge ba ako?!!

"Ikaw si Lauren Ruiz? The only daughter of Marco Ruiz." Nakakatakot ang boses niya!

"Oo, ako nga. Anong kailangan mo sa akin? Pera?"

"Hindi."

"At ano naman?"

"Ang buhay mo at pagkatapos ay ipapadala ko sa iyong ama ang walang buhay na katawan ng nag-iisang anak bilang surpresa sa kanyang kaarawan."

Itinutok niya sa noo ko ang dulo ng baril at handa nang kalabitin ang gatilyo. Ipinikit ko ang mga mata ko at isang imahe ng babae ang nakita ko.

Letizia...

Dumiin ang pagkakapikit ko nang marinig ang maraming putok ng baril. Narinig ko rin na may mga mabigat na nagbabagsakan sa sahig. Nang tumigil ang putukan ay nagmulat ako ng mga mata at ang unang taong nakita ko ay si Letizia, na nakatayo sa tabi ng nakabukas na pinto. Naglakad siya papunta sa direksyon ko habang hawak ang isang baril na ginamit niya para patayin ang mga taong dumukot sa akin.







Napamulat ako at nabungaran ang mukha ni Letizia habang nakangisi! Ugh! Panaginip lang pala yon? Akala ko totoo na.

"What are you doing here?" Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo.

"Narinig kong umuungol ka kaya naman napagdesisyunan kong pumasok na sa loob ng silid mo."

"Tumigil ka nga dyan."

Napahawak ako sa ulo ko na parang kidlat na dumaan ang kirot rito. Kailangan ko na atang uminom ng gamot sa sakit ng ulo.

"At tinatawag mo ako habang umuungol."

Tumingin ako sa kanya at nakikita ko ang ngisi sa labi niya.

"H-Hoy! Puro ka talaga kabastusan!"

"Akala ko nung una may ginagawa ka with someone elso pero wala pala. Dahil kung mayroon? Papatayin ko siya."

"Nahihibang ka na ba? Wala nga akong boyfriend tapos ganyan ang iniisip mo?! At bakit mo naman papatayin? Ha?"

"Dahil akin lang ang katawan mo."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Bwisit. Bakit pakiramdam ko bumabaluktot ang buntot ko kapag may sinasabi siyang nagpapalipad ng maraming paro-paro sa loob ng tiyan ko?!

Humiga ulit ako at itinakip ang unan sa mukha ko. Bahala siya dyan, ang bastos niya talaga. At isa nga pala, hindi ako kinikilig!

"Nasa baba ang mga kaibigan mo."

"Paalisin mo sila dahil lalo lang sasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa." Ibinaba ko ng kaunti ang unan at kalahati lang ng ulo ko ang nakalabas. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Laur!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses ng dalawa na pumasok sa loob ng kuwarto ko.

"Oh, sorry." May alinlangan na ngumiti si Jem.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon