Chapter 36

16.8K 620 78
                                    

Pagkaparada pa lang ng sasakyan sa parking lot ay mabilis na akong lumabas. Hindi ko talaga matagalan ang atmosphere sa loob. Nasa hallway na ako ng course building ko at diretso lang ang tingin ko. Lahat ng estudyante ay nasa akin ang atensyon.

"Hi miss Lauren"

Hindi ko pinansin ang lalaking nagpapansin sa akin. Nilagpasan ko siya at naglalakad lang na parang walang nakita. Narinig ko pa ang kantyawan ng mga kasama niya. Naiinis na agad ako.

"Woah! Anong meron at bagong gupit ka?" Tanong ni Ash nang makaupo ako sa tabi niya. "In fairness! Bagay sayo"

"Baka broken hearted?"

Sinamaan ko ng tingin si Jem na ikinatawa niya lang. Akala naman niya nakikipagbiruan talaga ako!

"Sabi ko sayo eh, broken hearted ang lola natin"

Napairap ako at tamad na sumandal sa upuan habang nakatanaw sa malayo. Mas maganda talaga ang pwesto dito sa bintana.

Kakagaling ko lang sa salon kahapon at nagpagupit ako ng buhok. Hindi ko nga alam kung bakit ko ginawa ang bagay na yun. Hanggang balikat na lang ang dating hanggang siko kong buhok. Tsk

"Nagbreak na kayo ni Letizia?"

Hinampas ko kay Ash ang libro na hawak ko pero mabilis niyang nailagan.

"Ang init agad ng ulo mo.." nguso niya at ang sarap lang hatakin non.

"Pwede bang wag mong mabanggit-banggit ang pangalan na yan sa harap ko?" Seryosong sabi ko sa kanya. Tinitigan ko muna siya bago ibinaling ulit sa labas ng bintana ang atensyon ko.

Wala na akong narinig pang sagot mula kay Ash kaya napabuga na lang ako ng hangin. Kung pwede lang talaga na panaginip lang ang lahat edi sana hindi ako nagkakaganito.

Natapos ang buhay estudyante ko at nagsisimula na naman pag-usapan ang nalalapit na pasko. Sa totoo lang wala naman akong pakialam sa pasko. Eleven years old pa lang ako ay nawalan na ako ng interest na magdiwang. Hindi naman kasi lahat ng wish mo lalo na kay Santa ay matutupad. Kalokohan lang talaga ang lahat.

"Ikaw Laur? Out of town ba kayo ng dad mo?" Tanong sa akin ni Jem.

Kasalukuyang tambay kami sa bench malapit sa gym. Mahangin ngayong hapon at masarap sa pakiramdam na nakikita mong nakikisayaw ang mga puno sa hangin.

"Hindi, hindi naman importanteng occasion ang pasko sa aming dalawa.." sagot ko at sumandal ang likod ko sa bench. Hindi ko pa naku-kwento sa dalawa ang mga nalaman ko. Gusto ko munang isarili yun.

"Nga naman, wala ka nga palang pake sa christmas." Sabi ni Ash at ngumiti naman siya ng makahulugan sa akin. "How about Letizia? Pwede naman na kayong dalawa ang magdiwang non. Masarap sa feeling na ipagdiwang ang christmas kasama ang mahal mo"

Napataas ang isang kilay ko sa word na 'mahal mo'. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader ng paulit-ulit at ipamukha sa sarili ko na nagkagusto ako sa isang babae.

"Mahal ko? Wala akong mahal"

Napatingin silang dalawa sa akin na may pagtataka.

"Kanina ko pa napapansin na nag-iiba ang timpla mo kapag nababanggit ang pangalan ni Letizia" puna ni Ash pero wala ako naging sagot.

"May nangyari ba? Pwede mo naman ikwento sa amin eh" nag-aalalang dagdag pa ni Jem

"Wala. I just realize my whole life is a goddamn lie"

"Kung mayroon man kayong hindi pagkakaunawaan ni Letizia? Mag-usap kayo dahil hindi maaayos ang problema kung sarado ang isip ng isa sa inyong dalawa"

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon