Chapter 58

8.6K 296 42
                                    

Narinig namin ang marahas na pagbukas sa pinto. Sabay-sabay kaming tumapak sa pasimano at hinawakan ko agad ang kamay nilang dalawa.

"Nandyan lang pala kayo."

Lumingon ako sa likod. Anim silang may hawak na baril at nakatutok sa aming tatlo. Inalis ko agad ang tingin sa kanila.

"L-Letizia..." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay nilang dalawa.

"Bibilang ako ng tatlo. Kapag hindi kayo bumaba dyan? Papaulanan namin kayo ng bala."

"Sa two tayo tatalon." Bulong ni Letizia sa amin.

"Kapag namatay ako dahil dito, lagot kayong dalawa sa akin." Banta ko. Tinawanan lang ako ni Bea.

"Isa!"

Hindi ko akalain na maiipit ako sa ganitong sitwasyon. Na kailangan kong gawin ang buwis buhay na 'to para lang makatakas!

"Dalawa!"

Saktong pagkasabi non ay sabay kaming tumalon tatlo.

Wala akong ibang ginawa kundi ang sumigaw ng malakas dahil hindi ko alam kung sa pagbagsak namin sa dagat ay mabubuhay pa rin ba kami.

Medyo masakit ang pagbagsak namin sa tubig at dahil sa hindi ako makahinga ay napabitaw ako sa kanilang dalawa. Iminulat ko ang mga mata ko para hanapin silang dalawa pero wala akong makita dahil sa dilim. Lumangoy ako pataas at nang makaahon ay habol ako sa paghinga.

"L-Letizia! Bea!"

Kahit madilim ang paligid ay inilibot ko pa rin ang paningin ko. Nagsisimula na rin akong kainin ng kaba nang walang sumasagot sa kanilang dalawa. Sa di kalayuan ay may naririning akong tunog ng speedboat at natatanaw ko rin ang maliit na ilaw na unti-unting lumalapit sa kinaroroonan ko.

"Letizia! Bea!"

Hindi kaya... Tuluyan na silang lumubog sa pinaka ilalim ng dagat? Dahil sa sobrang kaba kung ano-ano nang naiisip ko.

"Nandito ako." Mula sa kaliwang direksyon ay napalingon ako. Dahil na rin sa liwanag na mula sa speedboat ay nakita ko kung sino iyon. Si Bea pero nasaan na si Letizia?

"Si Letizia?"

"Hindi pa ba siya umaahon?" Kunot noo na tanong niya at kumaway pa sa taong sakay ng speedboat. May hawak itong flashlight at nakatapat sa amin.

"Magtatanong ba ako kung umahon na siya?" Iritableng sagot ko sa kanya. "Hanapin mo na siya!"

Bumalik ang tingin niya sa akin at napakamot sa ulo niya. "Nandito na pala siya." Tukoy niya sa naka-speedboat na tuluyan nang nakalapit sa kinaroroonan namin. May hawak na flashlight ang taong sakay non na nagbigay ng liwanag sa amin.

"Lauren, umakyat ka na. Ako na ang bahalang humanap sa kanya."

"No." Pagmamatigas ko. "Hindi ako sasakay hanggat hindi ko kasama si Letizia."

Nagkatinginan si Bea at lalaking nakasakay sa speedboat. Ilang sandali lang ay nagsimula nang tumawa ng malakas si Bea.

"Anong nakakatawa?" Hinampas ko ang tubig papunta sa direksyon niya at natamaan naman siya. Alam kong hindi iyon masakit pero natamaan pa rin siya! Hindi ba siya nag-aalala? Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaahon si Letizia!

"Kalma ka lang kas-"

"Shut up! Kaysa dumaldal ka dyan, simulan mo nang hanapin si Letizia!" Shit. Hindi nakatulong ang malamig na tubig sa kabang nararamdaman ko. Dumagdag pa itong si Bea na walang pakialam!

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon