Chapter 21

20.3K 694 42
                                    


"Laur!"

Nagulat ako sa pagsigaw ng dalawa na nasa pinto. Teary eyed na lumapit sila at niyakap ako ng mahigpit, rinig ko pa ang pagsinghot nila. Eww naman pero na-appreciate ko ang pagpunta nila dito. Bumitaw na sila at nagpupunas na lang ng luha.

"Nakakainis ka! Akala namin iniwan mo na kami.." -Jem

"Sa susunod pwede bang bawasan mo na yang katangahan mo?" -Ash, napasimangot ako sa sinabi niya

"Okay fine, my fault kaya ako nandito pero h'wag niyo nang ipamukha sa akin na naging tanga ako kahapon.." may kasama pang roll eyes iyon

"Sobrang nag-alala talaga kami nung malaman namin ang nangyari sayo.." umupo si Jem sa hospital bed ko at inilibot ang paningin sa vip room "anyway, nasaan si Letizia?" Nagtatakang tanong nito

Napasimangot naman ako dahil kahapon ko pa hindi nakikita ang babaeng yun. Hindi ko siya nami-miss! Gusto ko lang talaga.. ano.. na makita siya ngayon.

"Oo nga? Wala rin siya doon sa labas and ayaw pa nga kami papasukin ng ibang bodyguards mo buti na lang nandon si Miss Maddy.." tumango na lang ako sa sinabi ni Ash pero nasaan na ba talaga siya?

Hindi kaya... totoo ang sinasabi ni Bea na narinig ni Letizia ang pagsasabi ko ng 'I love you' habang tulog ako?

Ohfckingshit! Bakit ngayon ko lang na-realize na nagconfess ako habang tulog?!!!

"Hey Laur? Okay ka lang? Bakit namumula ka?"

"H-Ha? O-oo naman.." nauutal na sagot ko kay Jem

Hinilot ko ang sentido ko dahil sa mga thoughts na pumapasok sa ulo ko. Dahil ba sa nalaman niyang mahal ko siya ay umalis siya? At naisip niya hindi niya ako kayang mahalin? Ganon na lang ba yun? After niya akong paibigin ay iiwan na lang niya ako?! Letche! Paasa lang?!

"Okay ka lang talaga? May masakit ba sayo? Naluluha ka na eh" may pinahid si Ash sa pisngi ko at mukhang may luha nga

Bakit ba ako umiiyak? Hindi siya worth iyakan! Katulad lang siya ng iba na mang-iiwan! Hindi raw niya ako iiwan pero ano 'to?

"I think kailangan mo munang magpahinga.."

"Yeah, that's a good idea for now.." humiga ako at pumikit pero naninikip pa rin ang dibdib ko

Gosh! Ano bang ginawa ng babaeng yun sa akin?

"Pupunta nga pala si Tyra ngayon.." hindi ko pinansin ang sinabi ni Jem dahil may iniisip ako

"Kung wala si Letizia? Edi si Tyra na lang ang mag-aalaga sayo dito.."

Masama kong tinitigan si Ash. Bakit ba pupunta ang babaeng yun eh sakit lang sa ulo.

"Hindi na ako bata para alagaan pa.."

"Nga naman, kaya pala ayaw mo nang magpaalaga kay.. Bea? Di ba yaya mo siya?"

"Tumahimik ka nga!"

Nakakabwisit na Ash 'to. Ano naman kung yaya ko si Bea?! Eh ayoko lang na laging may nakadikit sa akin. Almost seven years ko nang kasama si Bea at nakakasawa na ang mukha niya. Napatingin kaming tatlo sa pinto nung may nagbukas nito at sumilip si Secretary Cruz.

"Lauren, may kilala ka bang Tyra?"

"Opo, classmate po namin yan Miss Maddy"

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Ash. Hindi naman siya ang kinakausap eh tapos sagot ng sagot pero mabuti na rin iyon dahil wala akong balak sumagot.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon