Chapter 45

15.3K 535 62
                                    

-----

Gusto kong sabihin na tapos na akong kumain pero paano masasabi kung hindi ko pa nga nakakalahati ang pagkain ko? Naiilang kasi ako sa tingin na ibinibigay ni Olivia. Yes, si Olivia na dito natulog sa isa sa mga guest room ng bahay ni Letizia. Ang ipinagtataka ko talaga kung paano siya napunta rito at kung paano siya nakapasok? Nagtataka rin ako dahil ang sabi ni Letizia hindi sila magkakilala ni Olivia pero ano 'to? Nasa loob ng bahay niya at masyadong feel at home pa nga eh.

"Bakit? Na-realize mo na ba na ang kagandahan ko ay nakalaan lang talaga para sayo?"

Napaismid ako sa sinabi ng katapat ko at yung katabi ko naman ay tinaasan siya ng kilay.

"Titig na titig ka kasi sa akin. Masyado mong ina-appreciate ang kagandahan ko." Mahangin na dagdag niya at kumindat pa!

"Hindi kaya.." sagot ko naman at nagpatuloy na sa pagkain.

Hangga't maaari ayokong tumitig ng matagal sa mga mata niya. Bakit? Nakaka-intimidate kasi at higit sa lahat.... si Letizia ang unang pumapasok sa isip ko kapag nakikita ko ang malaabo niya rin na mga mata. Coincidence lang ba talaga na parehas sila ng kulay ng mata? Pwede naman siguro.

"Akala ko talaga last night may mapupunta sa heaven ng wala sa oras..."

Nasamid ako sa narinig at mabilis na inabutan naman ako ng tubig ni Letizia. Masama siyang tumingin kay Olivia na pangiti-ngiti lang na akala mo nakakaaliw ang masamid. Eh kung sakalin ko kaya siya?!

"After nito, umuwi ka na."

"Bakit ako uuwi? Tomorrow's my birthday and dito naman talaga ako nag-ce-celebrate kapag birthday ko..." may kakaiba sa mga mata ni Olivia. Parang ano... parang may ipinapahiwatig katulad nang kay Letizia. Ano ba talaga ang relasyon nila sa isa't isa?

Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila dahil may tensyon nang nagaganap sa pagitan nila. Sabay silang tumingin sa akin at isang pagkakamali ang ginawa ko. Dalawang matang iniiwasan kong titigan ang nakatingin ngayon sa akin. Umayos ako ng upo at nagpanggap na wala lang sa akin.

"Ano ba talaga ang relasyon niyo sa isa't isa?"

Napuno na naman ng katahimikan ang paligid. May mali ba sa tanong ko?

"Girlfriend ako ni Letizia.."

"What?!"

Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa narinig. Sila? As in sila nga talaga?! Humigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor at masamang tinitigan si Letizia. Kaya pala may something akong nararamdaman sa kanilang dalawa dahil girlfriends sila?! Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Niloloko niya ako! Timer siya!

"Walanghiya ka! Pinagsabay mo pa talaga kami?!"

"Pinagsabay?"

"Oo! Pervert ka na nga two timer pa!"

Shit! Para akong sira rito sa harap nila. Sa mga napapanood ko, common na yung sasabunutan ang kabit ng asawa pero ang sa akin hindi ko magawa dahil baka ako ang kabit!

"Sure ka ba na kami nga talaga? Hindi ko papatulan ang babaeng yan." Sabay tingin sa katapat namin na nagpipigil ng tawa. Ano na naman nakakatawa?! "Stop teasing her, Oli." Saway niya. Gosh si Letizia? Sinasaway si Olivia?

"I'm just teasing you at ang cute mo pala mag-rants."

Ako cute?

"H-hindi ako cute, maganda ako." Geez, na-flattered ako.

"I know but imagine, nag-rant ka kay Zia. Wala pang gumagawa niyan kase baka barilin niya."

Mahina siyang natawa na ikinatawa ko na rin. Alam ko naman na laging may dalang baril ang babaeng 'to pero nagtataka ako kung paano niya ito naitatago na hindi mahahalata. Nahinto lang ako nang magsalita na naman ang isa.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon