Chapter 12

25K 767 25
                                    

Mas lalong hinigpitan ang pagbabantay sa akin matapos kong maka-receive ng Death threath. Sa totoo lang ay hindi na bago ang ganong tagpo sa akin. Lagi talaga akong nakakatanggap pero hindi pa rin talaga maiiwasan na natatakot ako.

Sa tuwing pumapasok ako sa school ay may naka-escort sa amin ni Letizia na dalawang sasakyan. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong Prinsesa at kapag may pumatay sa akin ay magkakaroon ng digmaan. Hays. May banta na nga sa buhay ko ay ganito pa ang iniisip ko.

Apat na araw na ang nakalipas nung huling nahalikan ko siya. Parang lantang gulay ako sa apat na araw na lumipas. Ngayon lang ako naging ganito at kasalanan ito ni Letizia!

Hindi lang naman kasi ang buhay ko ang iniisip ko, pati na rin ang orientation ko. Hindi ko akalain na si Letizia lang pala ang makakapagbago nito. Si Ash nga walang nagawa. Pero siya? Grabe iba talaga ang epekto ni Letizia sa akin.

At isa pa nga pala, naiinip na ako dahil ang tagal ng sundo ko. Kanina pa nga ako nakatayo rito sa parking lot. H'wag lang talaga na inuna pa niya ang pakikipaglandian sa iba dahil lagot talaga siya sa akin!

Ako lang ang dapat niyang landiin at wala nang iba!

"Hi, Lauren Ruiz?" Mula sa harapan ko ay sumulpot ang isang lalaki at dahil sa mabait ako ay hindi ko siya pinansin. "Ang sungit mo nga talaga." Wala akong pakialam dahil may hinihintay ako.

"Sht.. ang tagal naman niya?"

"Sino?" Biglang epal nung lalaking hindi ko naman kilala. Hindi siya rito nag-aaral dahil iba ang design at kulay ng uniform niya.

"Ano bang pakialam mo kung sino?" Naningkit ang mga mata ko nung tumawa siya.

"Nakakatuwa ka talaga."

"Walang nakakatuwa sa akin at pwedeng lumayas ka sa harapan ko? Baka masipa kita."

Umiling-iling siya habang ang ngiti sa labi ay hindi pa rin nawawala. "Iba ang ine-expect ko sa pagpunta ko rito. Dahil ang inaasahan ko ay katulad ka lang din ng mga babaeng nakilala ko na wala ibang gusto kundi ang maging boyfriend ako. Hindi ko rin alam na amazona ka pala?"

"Correction, Diyosa ako. D-I-Y-O-S-A at ang kapal din ng mukha mo na gugustuhin kita maging boyfriend?!"

"Palabiro ka pala? At pwede rin naman." Masama ko siyang tinitigan. Ang sarap niyang ipakain sa mga crocodile sa Zoo. At nag-wink pa! Eww! talaga. "Anyways, I'm Luke Andrei Villafuerte." Inilahad niya ang kamay niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Hindi ko tinatanong." Kasing nipis na lang ng sinulid ang pasensya ko at kapag hindi pa tumigil ang lalaking 'to ay masasapak ko na siya.

"I came here to meet the great Lauren Hayes Ruiz pero mukhang may date ka? Sino ba ang lalaking yan at pinaghihintay ang isang magandang babae na katulad mo?" Ngumiti siya na akala mo ay mabait at... Fine! May pagka-Zac Efron ang dating niya except sa katawan niya dahil ang macho kaya ni Babe Zac!

"Wala akong pakialam kung sino ka, sino ang kailangan mo at matagal ko nang alam na maganda ako."

In'open ko ang phone ko at nag-message pala si Letizia. Ang sabi niya ay nasa tapat sila ng gate at hindi na sila papasok sa loob para makaalis na raw agad kami. Tss.. walang kuwenta rin pala ang paghihintay ko at paghihintay sa kanya para masipa niya sa private part ang lalaking epal dito na hindi naman kagwapuhan. Nagsimula na akong maglakad pero nahinto rin dahil sa kanina pang nambwi-bwisit sa akin!

"Saan ka pupunta? Hatid na kita at delikado na sa daan."

"H'wag na dahil mas delikado pa kung sayo pa ako magpapahatid." Inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakakainit siya ng ulo at ang sarap niyang lunurin sa kumukulong mantika.



My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon