Chapter 39

16.9K 604 74
                                    

Letizia




"Letizia.."

Pagpasok ko pa lang ng bahay ng mga Ruiz ay ang nakakalokong ngiti na ang isinalubong ni Beatrise. Nakasandal siya sa wall kaya tumaas lang ang kilay ko sa kanya.

"Sungit, bagay talaga kayo ng alaga mo."

"Nasaan siya?"

"Wala man lang 'hello' or 'kamusta' sa akin?"

"Manahimik ka Beatrise, sagutin ---"

Mabilis na tinakpan niya ang bibig ko at tumingin sa paligid. Kaming dalawa lang naman ang nandito.

"The hell! Ang kulit mo, sabing wag mo 'kong tatawagin sa ganung pangalan lalo na dito!" Bulong niya pero nandon ang pigil na sigaw.

"Bea, baka hindi makahinga sa ginagawa mo si Letizia." Sabi niya habang may hawak na mangkok na naglalaman ng ice cream.

Taas kilay na napatingin ako kay Bea. Nandito si Sharlie at paniguradong inuna na naman niya ang pakikipagharutan.

"Kanina ka pa nandito?" I asked bago tiningnan ng makahulugan si Bea. Ngumiti lang siya ng alanganin sa akin.

"Yes, when I got here natutulog si Laur. Pinatulog kasi siya ni mama kanina dahil masyado raw naging overreacting si Laur."

"Overreacting?"

"Hmm... yeah." Sumubo muna siya ng ice cream bago ulit nagsalita. "Iniisip niya kasi mamamatay na siya."

"What?" May halong inis na tanong ko. Bakit naman naiisip ni mon amour ang bagay na yun?

"Kaya nga ang ginawa ni mama tinanggal niya ang salamin niya. Ayun todo ngiti na si cous, magkamukha kasi si mama at tita Lorraine eh."

"Babe, ikaw napakadaldal mo.."

Inakbayan ni Bea ang girlfriend niya bago tumingin sa paligid. Baka may nakikinig sa pinag-uusapan namin. Agad naman na-gets ni Sharlie and she mouthed 'sorry' sa akin na may kasama pang peace sign.

"Natutulog pa rin ba siya?"

Nagkibitbalikat lang yung dalawa sa akin at nagsimula na akong pumunta sa kwarto niya. Nakasunod naman yung dalawa sa akin habang nagsusubuan pa ng ice cream. Pagbukas ko ng pinto ay walang Lauren akong nakita sa kama. Napakatahimik ng kwarto niya na ipinagtaka ko. Magkahiwalay naman ng tinungo ang dalawa. Sa bathroom pumasok si Sharlie habang si Bea ay tinungo ang balcony. Lumapit ako sa kama na hindi pa naaayos. Napadako ang mata ko sa isang pink na papel at nakaipit sa isang libro na nakapatong sa bedside table.

Sa pagkakaalam ko, hindi mahilig magbasa ng libro si Lauren kaya imposibleng bookmark ito. Kinuha ko ang papel at bumilis ang paghinga ko sa matinding galit na nararamdaman ko. Ginamit pa talaga nila ang pangalan ko!

"Wala siya sa bathroom.."

"Wala rin siya sa balcony.."

"Stupide! Nalusatan tayo!" Napakuyom ako kasama ang papel na hawak ko.

Mabilis na nilapitan ako ng dalawa at pinakalma. Kinuha naman ni Bea ang hawak ako at  napamura ng wala sa oras. Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan.

"Hindi makakatulong yang galit mo. At isa pa, kung siya nga ang naglagay dito? At malaman ni Laur ang pagkatao ng isa sa malapit sa kanya? Masasaktan siya."

"That's a nonsense reason, Sharlie. Gagawin ko ang lahat for Lauren's sake at papatayin ko lahat ng gustong pumatay sa kanya." May diin na sabi ko sa kanya at hindi na siya nakapagsalita pa.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon