Chapter 46

14.5K 509 46
                                    

Sounds weird....

Tinawag siya ni Olivia ng Zia tapos Oli naman yung itinawag niya sa isa. Ang huling mga narinig kong tumawag sa kanya ng ganyan ay mga close friends niya. Lalo na si Bea na bestfriend niya nga.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam pa rin ako ng pagdududa. Lalo na sa sinabi niyang inaanak ng Dad niya si Olivia. How come na may similarities sila? Lalo na ang mga mata nilang dalawa. Pakiramdam ko minsan isang tao lang ang nakatitig sa akin kapag kaharap ko na silang dalawa. Nababaliw na ata ako sa mga pinag-iisip ko?

Alas dos na ng madaling araw pero heto ako at hindi pa rin makatulog. Pakiramdam ko kasi may mali sa lahat.... sa lahat ng mga nasa paligid ko. Humarap ako sa likod ko para mapagmasdan siya bago ulit matulog pero napabangon ako bigla. Ngayon ko lang napansin na wala siya sa tabi ko.

Nasaan naman ang babaeng yun?

Bumaba ako sa kama para hanapin siya. Wala na akong pakialam kung masyadong manipis at maikli ang suot ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at parang takot gumawa ng ingay. Nakaramdam naman ako ng uhaw kaya sa kitchen ako dumeretso pero nagtaka ako dahil bukas ang ilaw.

Ah. Kaya naman pala.

Ang babaeng nasa tabi ko na dapat at mahimbing ang tulog ay nakaharap naman sa laptop. Nakasuot siya ng nerdy glasses at busy sa pagta-type. Ano naman kaya ang ginagawa niya? Ngayon ko lang kasi siya nakitang humarap sa laptop. May isang tasang kape sa gilid niya na nangalahati na nga eh.

"Why are you still awake young lady?"

Napalunok ako sa tono ng boses niya. Nag-angat siya ng tingin at humilig pakaliwa ang ulo niya, hinihintay ang sagot ko.

"Uhm... water... n-nauhaw kasi ako."

Kumuha muna ako ng baso bago lumapit sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Habang umiinom ay pinagmamasdan ko siya. Busy na naman siya sa pagta-type. Baka naman online sa social media account niya at busy sa pakikipag-chat sa ramdom girls? Ugh, hindi naman siya ganon at wala rin siyang social media accounts.

Ngayon ko lang napansin na may suot pala siyang pulang robe at hindi nakatali. Kita ko ang suot niyang itim na tank top.

Pero...

Kung titingnan si Letizia? Makikita mo ang business aura sa kanya.

"Ano ba yang ginagawa mo?" Basag ko sa katahimikan na ang maririnig lang kanina ay ang tunog ng laptop niya.

"Nothing."

"Anong nothing eh halata namang importante yan?"

Lumapit na ako pero ang nakita ko sa pinaka last ng maraming enter na pinagpipindot niya habang palapit ako....

I LOVE YOU, LAUREN

"P-Pinagloloko mo ba ako Letizia?"

"You should reply me back I love you too."

Wow ha? Demanding masyado ang babaeng 'to. Sumingit ako at ako naman ang nag-type.

I LOVE YOU, LAUREN.
I LOVE YOU TOO, LETIZIA.

"Oh ayan baka magreklamo ka pa? Naka-bold yan at italic pa."

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya na ikinataas ng isang kilay ko.

"You always amaze me, love."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at isinandal ako sa hindi naman kataasang table. Nakalagay din sa magkabilang gilid ko ang dalawang kamay niya habang titig na titig sa mga mata ko.

"B-bakit?"

Bigla akong kinabahan. Hindi kasi siya nagsasalita at nakatitig lang sa mga mata ko.

"I love you" sabi niya habang nakatitig pa rin at parang may ginagalugad.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon