Chapter 60

13.3K 355 141
                                    

Hindi pa ko nakakapag-reply kay Olivia nang bigla naman akong katukin ni Bea sa kuwarto ko. Pinapatawag daw ako ni Dad.

Kasalukuyang naglalakad na ako sa hallway papunta sa office ni Dad, dito lang din sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ipinatawag niya ako. 10PM na kaya.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Naabutan ko siyang may kausap sa phone. Nang tumingin siya sa direksyon ko ay agad na niyang sinabi sa kausap niya na mamaya na lang ito tumawag. Sumenyas siya na lumapit ako kaya ginawa ko at nasa harapan na ngayon ako ng office table niya.

"Bakit mo po ako ipinatawag?"

Hindi siya umalis sa pagkakaupo sa swivel chair habang nakatingin sa akin. Matagal niya akong tinitigan na ipinagtaka ko naman.

"Dad? May sasabihin ka ba o pinapunta niyo lang ako rito para titigan?" Naiinip na tanong ko.

Pumikit siya at bumuntong hininga. Inilagay niya pa ang kaliwang kamay sa noo habang umiiling. Huminto siya at muling ibinalik ang tingin sa akin.

"I just realize my only child grew up so fast and now, she's standing infront of me as a lady."

"Paano niyo po mapapansin? Lagi kayong tutok sa trabaho." Totoo 'yon! Wala siyang oras sa akin.

Muli na naman siyang napailing. "Kaya siguro hindi kita naturuan ng magandang asal dahil lagi akong tutok sa trabaho." Balik niya sa akin. Isinandal niya ang katawan sa backrest ng swivel chair bago muling nagsalita. "Ang dahilan kaya kita ipinatawag dito ay dahil-" Hindi niya naituloy nang biglang tumunog ang phone niya na nasa ibabaw ng table. Napunta naman ang tingin ko sa screen nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil kahit hindi nakaharap sa akin ang phone at baliktad ang nababasa ko? Hindi ako pwedeng magkamali sa pangalan ng tumatawag kay Dad.

'Eli'.

Nagtaka ako nang hindi niya sagutin.

"Why did you hang up? Pwede mo naman sagutin kahit nandito ako."

"It's not an important call, Lauren."

Not important?

"But the caller is Letizia! So, how come the call is not important?!" Hindi ko na mapigilan magtaas ng boses.

Nakatitig lang sa akin si Dad at hindi nagsasalita. Nagulat ba siya? Dahil alam ko na ang totoong identity ni Letizia?

"Mabalik tayo sa pinag-uusapan kanina."

What the f*ck?! Bigla niyang iniba ang usapan! Napakuyom ako habang nakatitig sa kanya.

"Dad! Let me talk to her!"

"Lauren!" Bigla siyang tumayo at galit na nakatingin sa akin. "Sumosobra na ang pagiging bastos mo sa harapan ko."

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Dahil sa pagtaas na rin ng boses ni Dad. Ayokong umiyak. Damnit. I really miss her. Isang linggo ko na siyang hindi ma-contact pero makikita ko na lang na tumatawag siya kay Dad? Ano bang problema ni Letizia? Bakit ayaw niya akong kausapin?!

Napasuklay si Dad sa itim at makapal niyang buhok dahil sa frustration. Inilagay niya sa bulsa ng suot na slack ang phone niya at agad na ibinalik ang atensyon sa akin. "Lumalaki ka talaga na walang modo. Ganito ba ang gusto mong ipakita sa Mom mo ha?" Mahihimigan sa boses niya ang pagpipigil at pagkadismaya.

"Is she really alive?"

Biglang natigilan si Dad at parang hindi niya inasahan ang tanong ko.

"Alam kong buhay si Mom. Pero ang hindi ko maintindihan..." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Bakit kailangan niyong ilihim sa akin? All these years? Pinagmukha niyo akong tanga lahat!" I can't keep my anger now. Hanggang ngayon nagagalit pa rin ako sa tuwing naaalala ang pagtatago nila sa katotohanan.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon