Chapter 24

19.2K 651 14
                                    

Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak ni Jeiden sa braso ko at tinungo ang kinaroroonan ng dalawa. Kahit tinatawag niya ako ay hindi ko siya pinansin. Napansin kong tinulak ni Letizia ang babaeng malandi na kung makangisi ay parang nagtagumpay na sa isang plano. Nung marating ko ang pwesto nila ay pinaharap ko si Jasmine sa akin at malakas na sinampal.

"Fuck! Ano bang problema mo ha?!" Aba't? Nagtatanong ka pa?!

"Ang lakas ng loob mong halikan si Letizia gamit yang madumi mong.." tiningnan ko ang labi niya "eww lang talaga.." halatang napikon siya sa sinabi ko at hinawakan ang buhok ko pero agad din siyang napahinto

"Subukan mo lang saktan siya, bubutasin ko talaga 'tong bungo mo.." banta ni Letizia habang nakadikit ang baril sa sentido ni Jasmine

Saan naman niya nakuha yang baril na yan?

"Tama na yan.." awat ni Jeiden "okay ka lang ba Lauren?" Baling nito sa akin habang inaayos ang buhok ko

"Talagang inuna mo pang intindihin ang babaeng nanampal sa kapatid mo?!" May halong pagkairita ang pagkakasabi niya habang pinanlilisikan ako ng mata "Eh kung tuluyan ko na kaya ang babaeng yan?!"

"Enough!" Halatang nagulat ito sa pagsigaw ni Jeiden at kahit naman ako ay nagulat din "bumalik ka na doon at hinahanap ka na ni Dad.." pagkasabi ni Jeiden non ay umalis na si Jasmine pero sumigaw pa ng 'fuck you bitch!' Sa akin

"Sorry, nasampal ko ang kapatid mo.." ang landi niya kasi!

"Okay lang, nadala ka lang sa nararamdaman mo.." seryosong sagot nito sa akin at tiningnan ng masama si Letizia na kasalukuyang nagpupunas ng labi niya "Put your gun down.." sabi niya at ngayon ko lang napansin na nakatutok pala kay Jeiden ang baril

"Letizia, ibaba mo nga yan.." utos ko na may halong inis

"Ibababa ko lang ito kapag bumitaw ka na kay Lauren.."

I saw Jeiden's jaw hardened bago ako binitawan. Hinatak naman ako ng isa papunta sa kanya at ibinaba na ang baril niya.

"Do you want me to vulgar your secrets, Letizia?" ngisi ni Jeiden kaya napatingin naman ako kay Letizia dahil sa sinabi nito

"And how about your real color? Still hiding on your ass and afraid to show up?" Ngisi naman na tirada ni Letizia

Nagtitigan silang dalawa at parang walang gustong sumuko. Nung una palang sa hospital ay napapansin kong may tension sa pagitan nilang dalawa. Nagpasalit-salit ang tingin ko sa kanila at parang may hindi magandang mangyayari kapag nagpatuloy pa 'to.

"Uhm.. tingin ko kailangan na naming umuwi?" Basag ko sa mabigat na atmosphere dito "hindi kasi ako pwedeng magpaabot ng 10pm"

Lumambot na ang expression ng mukha ni Jeiden na kung kanina lang ay parang may gagawin siyang hindi maganda kay Letizia.

"Sorry about what happened earlier.."

"Okay lang.. ako nga ang dapat magsorry dahil birthday mo ngayon at nasira ko.."

"Hindi mo kailangan magsorry.. mas nangingibabaw pa rin ang saya sa akin dahil nandito ka.." hinawakan niya ang dalawang kamay ko habang nakangiti sa akin. Ang ganda talaga ng babaeng 'to at paniguradong marami ang naghahabol sa kanya.

Nagpaalam na ako sa dalawang kaibigan ko at hihintayin pa raw nila ang mga parents nila na umuwi.

-

Nakarating kami ni Letizia sa bahay na hindi nag-uusap sa buong biyahe. Nasa tapat na kami ng kwarto namin at wala pa rin ang nagsasalita sa aming dalawa hanggang ngayon. Naiinis ako sa kanya dahil hinayaan niyang magpahalik sa malanding yon! Napalingon ako sa kanya dahil lumapit siya sa akin at yung mga mata niya ay parang humihingi ng forgiveness? Nanatili lang akong tahimik at hindi nagsasalita. I gasped nung isiniksik niya sa leeg ko ang mukha niya.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon