Chapter 3

30.3K 929 24
                                    

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nung magkaroon ako ng bagong personal bodyguard at pakiramdam ko ay makakapatay na talaga ako.

Nasa library ako ngayon dito sa bahay at nakaupo sa couch habang hinihilot ang magkabilang sentido. Peaceful ang lugar na ito at walang bodyguard na panira sa araw ko. Napansin ko ang liwanag na nagmumula sa screen ng phone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko ito at may message galing kay Ashley.

From: Ashley

Bar tayo mamaya!

Nag-reply ako ng 'okay' dahil sa tingin ko ay kailangan ko iyon ngayon. Lalo na't puro stress na lang ang dulot sa akin ng bago kong bodyguard.

Tumayo na ako at tinungo ang pinto para lumabas na. Pagkabukas ko ng pinto ay bigla akong natigilan nang mapansin ang personal bodyguard ko. Nakasandal siya sa pader na katapat lang ng library. Inirapan ko siya bago tuluyang ng lumabas ng silid at naglakad palayo sa kanya. Nararamdam ko ang pagsunod niya sa akin.

Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko si Dad sa living room na nakaupo sa sofa. Sa likod ng inuupuan niya ay ang malaking bintana at nakahawi ang kurtina nito. Hindi ba natatakot si Dad na baka may sniper sa labas? Inilapag niya ang hawak na newspaper sa center table nung mapansin ako.

"Lauren, ano nga pala ang gusto mong sabihin sa akin last week?"

Umupo muna ako sa katapat na sofa ng inuupuan niya bago sumagot. "Gusto kong palitan ang bagong personal bodyguard ko at ayoko ng may babae sa mga nagbabantay sa akin." Hindi maitago sa boses ko ang pagkairita.

"Si Letizia ba tinutukoy mo?" Sino pa ba? Eh, siya lang naman ang babae sa mga bodyguard ko. "Hindi pwede."

"At bakit? Hindi ko gusto ang babaeng yon!"

Napapikit si Dad dahil sa pagtaas ng boses ko. Nadapo naman ang tingin ko sa newspaper na binabasa niya kanina lang.

Ricardo Villafuerte, the number one business tycoon in the Philippines.... And etc.

Kalaban ni Dad sa negosyo si Ricardo Villafuerte. Mukhang pangalawa na naman siya sa listahan ng mga matagumpay na business tycoon ngayong taon.

"Alam kong kaya ka niyang pangalagaan kaya hindi ko papalitan si Letizia dahil lang sa hindi mo siya gusto. She's one of the most in-demand personal bodyguard on their agency." Tumingin si Dad sa suot na wristwatch bago tumayo. "Kailangan ko nang umalis, may importanteng meeting ako na dapat puntahan." Pagkatapos nito at naglakad na siya palabas ng bahay. Sumunod din sa kanya ang mga bodyguards niya.

Nakakainis. Nagsayang lang pala ako ng effort sa pakikipag-usap sa kanya dahil hindi siya pumayag na palitan ang bago si Letizia. Umakyat na ako sa kuwarto at ni-lock ang pinto para hindi makapasok ang bastos na babaeng yon. Hinubad ko ang suot na shirt at umupo sa gilid ng kama. Balak kong maligo muna para lumamig ang ulo ko.

"Nice view...."

What the!

Napalingon ako sa direksyon ng couch kung saan nagmula ang boses. Naka-cross legs siya at nakasandal pa ang dalawang braso sa gilid ng couch. Her smirk. Itinakip ko bandang dibdib ang damit na hinubad ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Nararamdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko dahil nakita na naman niya ako sa ganitong ayos.

"Hmm... to make you feel hot?" Naiinis talaga ako kapag tanong ko, tanong din niya!

"Get out!"

"Bakit? Ayaw mo bang mag-enjoy muna tayong dalawa?" Tumayo siya at naglakad palapit sa akin.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon