Chapter 55

12.7K 409 92
                                    

Unknown's POV

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang hawak kong calibre 45. Kanina ko pa ito pinupunasan gamit ang puting tela. Kailan ko kaya magagamit 'to sa kanya? Kating-kati na ang daliri ko sa trigger nito. Pati ang nag-iisang balang sa kanya lang naka-reserve.

"Bago ako pumunta sa shooting range, nililinisan mo yan. Hanggang ngayon hindi ka pa rin tapos?"

Umupo siya sa katapat ko na upuan. Sumenyas naman ako sa katulong na naglilinis dito sa living room na umalis.

"Parang ikaw? Hindi ka pa rin tapos sa inutos sayo. Mag-iisang taon na." Natahimik siya kaya naman itinutok ko ang hawak na baril sa kanya. "Pasalamat ka dahil favorite ka ni Dad. Ayoko rin na sayangin ang nag-iisang bala nito sayo kahit pa deserve mong mamatay."

Ibinaba ko ang hawak ko at inilagay sa case na pinaglalagyan nito.

"You are a piece of shit. Akala mo ata hindi ko alam na nakakalimutan mo ang trabaho mo kapag kaharap na siya?"

Sumandal ako sa kinauupuan at matalim siyang tinitigan. "Wala sa usapan na papairalin mo yang pagka-gay mo. Dahil ang usapan? Kakaibiganin mo lang siya."

Ngumisi siya na ikinataas naman ng isang kilay ko. "Mas maganda siya kaysa sayo at halos nasa kanya na nga ang lahat."

"Ano gusto mong palabasin?" Nakakaramdam na ako ng pagkairita sa ipinupunto niya.

"Yun ang dahilan kung bakit ang laki ng insecurity mo kay Lauren Ruiz."

"Btch. Kung wala kang matinong sasabihin? Lumayas ka sa harap ko!"

Nagkibit-balikat siya bago tumayo pero ang ngisi sa labi niya ay hindi pa rin nawawala.

I can't help it but to curse. Matagal na akong nagtitimpi sa kanya. Sinasagad talaga niya ang pasensya kong sobrang ikli, na mas maikli pa sa buhay niya!

After ko kay Lauren, siya ang isusunod ko.

Nahinto ako sa iniisip ko nang marinig ang tunog na nagmumula sa purse ko. Kinuha ko ang phone sa loob nito at kusang tumaas ang gilid ng labi ko. I guess? Good news 'tong ibabalita niya.

Binasa ko ang messages niya at sinabi ang funny reaction ni Lauren. Nagpadala lang naman ako ng gift para sa kanya.

Wala siyang kamalay-malay na nasa loob ng bahay niya ang utusan ko. Wala ngang kahirap-hirap na nakakalabas-pasok sa pamamahay ng mga Ruiz. Ano kaya ang magiging reaction ni Lauren? Kapag nalaman niya na ang taong pinagkakatiwalaan niya ay may plano palang patayin siya.

----

Lauren

Today is Jeremie's party.

Oo, nagpa-party ang babaeng 'yon. Dapat nga last week pa pero ginawa niyang friday night dahil weekend naman kinabukasan. Let's get wasted daw ang theme ng party niya.

Anyway, kaya siguro ganon dahil she brokeup with her boyfriend yesterday kaya single na naman siya and ready to mingle.

Ang dapat nga magpaka-wasted ay ang ex-boyfriend niya, hindi siya. Dahil siya ang nakipag-break.

Hindi ko alam pero doon daw sa resort nila Ashley ang event at lahat ng blockmates ay invited. Overnight party. Kaming dalawa lang ni Ashley ang allowed na magsama ng iba.

Kung magreklamo silang may favoritism? Who cares? Wala na silang pakialam don. Bestfriends kaming tatlo kaya wala silang karapatan magreklamo.

Kakatapos ko lang maligo nang mapansin ang isang box. Kulay red pero ang ribbon ay kulay black. Nilapitan ko ito at ang masasabi ko lang? Creepy.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon