Chapter 15

25.4K 743 27
                                    


Do you still remember how I killed your Mom? What a stupid for saving your cousin.

I received this message from unknown number again nung magising ako. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko masasabi 'to kay Dad dahil siguradong hindi niya sasagutin kung tumawag man ako sa kanya. Katulad ng pag-ignore niya sa tawag ko noon nung kailangan ko siya bilang ama.

I really hate him...

Kahit na ginugulo ako ng message kanina ay tinungo ko pa rin ang bathroom. Medyo magaling na ang left ankle ko kaya papasok na ulit ako sa school. Kailangan ko na lang gawin ay maging maingat.

Matamlay akong bumaba at dumeretso ng dining. Umupo ako at pinagmasdan lang ang pagkain sa harap ko.

"Hija, hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang yan." Biro ni Yaya Ana.

"I lost my appetite." Inilayo ko ang pagkain sa akin kahit nasa harap ko lang si Letizia at nakikita ang pag-iinarte ko.

"Gusto mo bang ipagluto kita ng iba?"

"H'wag na Yaya Ana. Hindi ako gutom." Tumayo na ako at lumabas ng dining room, hinahanap ng mga mata ko si Bea "Bea!" Agad naman siyang lumapit sa akin.

"Bakit?" Now, hindi na siya gumagamit ng Miss or po/opo pero hayaan na lang ang bruha na 'to.

"Massage my temple." Pabagsak akong umupo sa sofa at hindi naman siya nagtanong pa, ginawa niya agad ang inutos ko.

Pasalamat siya wala ako sa mood magsungit ngayon..

"Are you okay? " Just hearing her voice, I felt relief and calmed.

"I'm fine. Hindi lang maganda ang gising ko."

"Tara na at baka ma-late ka."

Hindi ko napansin na wala na pala si Bea sa likod ko. Saan naman nagpunta yon?

Nakarating naman kami sa school ng safe at sinalubong naman ako ng dalawang bestfriend ko na mga tuwang-tuwa dahil pumasok na raw ako. Nung nasa room na kami ay todo sorry naman si Tyra dahil daw sa kanya ay one week akong hindi nakapasok.

"Oo na.. just go na" tumingin na lang ako sa labas para alam niyang ayaw kong makipag-usap

Nag-umpisa ang klase na wala akong naintindihan. Kung hindi pa ako kinalabit ni Jem na may quiz kami ay hindi ko pa malalaman dahil masyadong distracted ang utak ko. Buti na lang sa one week na nasa bahay ako ay puro basa ako ng mga libro.

"Laur, okay ka lang?" Tumango ako sa tanong ni Ash

Nasa canteen kami at sila lang ang kumakain. Wala talaga akong gana.

"Sure ka? Bakit parang Zombie walker ka today?" Sinamaan ko ng tingin si Ash habang subo niya ang kutsara niya

Kailan pa naging Zombie walker ang Diyosang tulad ko?

"Oo nga, you forgot to wear your makeup din. That's new." Sang-ayon ni Jem. Ako?

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin na dala ko na may printed hello kitty pa. Oo nga, hindi ako nakapag-makeup pero parang wala naman nagbago sa mukha ko, maganda pa rin.

"I'm just tired of running..." Dumukdok ako sa table at feeling ko ay bibigay na ang katawan ko.

Wait nga lang? Bakit ba nagpapaapekto ang isang Lauren Ruiz? The Great Lauren Hayes Ruiz!! Sa isang message na pwedeng nang go-good time lang?!

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon