Chapter 49

14K 521 45
                                    

"Madali lang itong lalaruin natin." Isa-isa kaming tiningnan ni Ash habang nakangiti. Halatang nag-e-enjoy sa ginagawa niya. "Ang gagawin lang natin ay magsasabihan ng hindi pa natin nagagawa, ang cool di ba?" Tinaas-baba pa niya ang kilay sa amin.

"Anong cool doon? Ang boring ng naisip mong laro."

Ang boring naman talaga eh. Parang sabihan na rin yun ng secret.

Secret...

Napalunok ako.

"Chill, hindi pa nga ako tapos eh." Inilagay niya sa gitna ng table ang isang martini. "Kapag wala kang nasabi, kailangan mong uminom."

"Ay gusto ko yan!" Palakpak ni Jem. Tss

Napasulyap ako sa katabi ko. Hindi niya kakayanin 'to. Sinalubong niya ang tingin ko kaya napaiwas ako bigla. Pinakalma ko naman yung puso ko. Ewan. Nagwawala na naman siya.

"Interesting... kailangan lang maging honest." Nakasandal si Olivia sa inuupuan namin habang naka-cross arms at legs pa.

"Oh di ba? Kahit si Olivia gusto ang laro natin. Ikaw lang ata Laur ang hindi."

"Hindi naman sa ganon... kasi.. ano.."

"Palusot ka lang kamo. Ano? Game na."

Napairap ako kay Ash. Ipinapakita niyang wala akong magagawa at siya ang may hawak sa larong 'to. Whatever.

Napansin ko naman yung laman ng dalawang ice bucket. May brandy, vodka, whiskey at tequila, meron pa ngang cocktail drinks sa gitna bukod sa martini na inilagay niya. Yun daw ang iinumin ng KJ.

"Hoy, Ash. Bakit ang daming drinks? Wag mo nga kaming idamay sa pagiging wasted mo."

"Grabe ka maka-wasted. Eh masaya kaya ang uminom hanggang sa makalimutan na natin ang pangalan natin."

"Laur, hayaan na. Minsan nga lang natin nagagawa 'to eh." Pangungunsinti pa ng katabi niya.

"Isa ka pa! Gusto mo lang din lumaklak dahil may bagong girlfriend na yang ex mo. Hindi ka pa rin nakakamove on."

"Oy, naka-move on na ako."

"Whatever, wag na wag mo lang babalikan ang lalaking 'yon. Parehas ko kayong ibabaon sa lupa."

"Ang sama mo talaga. Iba talaga ng walang ka-forever noh, Ash?"

"Oo nga eh, dinadamay tayo sa pagiging bitter." Magsasalita pa sana ako kaso sinubuan ako ng isang slice ng lemon ni Ash. Bastos. "Ako ang mauuna. Pasensya na't na-interrupt tayo sa kaingayan ni Lauren." Ako pa talaga ang sinisi! "Nga pala ang pagkakasunod sa natin na magsasabi ay ako, Jem, Oli, Laur at Letizia."

"Oo na, magsimula ka na." Walang ganang sagot ko at sinipsip yung lemon. Ano pa ba magagawa ko? Kahit tumanggi ako ay wala na rin akong magagawa. Nandito na eh.

Huminga siya ng malalim at sumeryoso ang mukha. Ano kaya yung hindi niya pa nagagawa?

"Hindi ko pa nagagawang umihi ng nakatayo."

Biglang tumawa yung dalawa sa sinabi ni Ash.

"But you wanna try?" Tanong ng katabi ko na natatawa pa rin. Di maka-move on.

"Why not? Mukhang masaya eh."

"Heck. Ash, ang ew mo talaga kahit kailan." Pinagtawanan lang niya ako. Akala ko naman kung ano ang sasabihin niya na hindi pa nagagawa. May pahinga-hinga pa siyang malalim na nalalaman. Letche, kalokohan lang talaga ang larong 'to!

"Ikaw na Jem."

Tumikhim si Jem at sumeryoso din ang mukha. "Hindi pa ako nakakapunta sa Haulover Park."

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon