Chapter 5

21.8K 458 63
                                    

ISANG linggo na sa amin si Zaiel at isang linggo na din itong kalaro ni Zane at masasabi kong sobrang close ng dalawa.

Minsan na nga ay hindi na kami nakakapaglaro ni Zane dahil busy na ito sa kaniyang aso.

"Tine iha,naku kailangan nating maghanda at may paparating na bisita si Sir."aligagang sabi ni nay Yoli.

Tine na ang ang tawag niya sa akin dahil ayon sa kaniya ay nagpakahaba ng Clementine.

"Ganun po ba Nay? E ilan ho ba ang bisita ni Sir para na din alam ko kung gano kadami ang iluluto."saad ko naman.

"Lima silang magkakaibigan at shempre siya na ang isa doon at dadating ang apat, Apat na mga gwapong binata."sabi ni nay Yoli.

"Sige po nay sisimulan ko nang magluto."sabi ko at nagluto na agad.

Si Nay Yoli naman ay naghihiwa at ako ang tiga luto.

Halos isang oras din ng matapos kaming magluto at narinig nanamin abg busina ng mga sasakyan hudyat na nanjan na sila.

Nakita ko na din si sir na bumaba buhat si Zane na buhat din ang alaga niyang puppy.

Maya maya ay nakarinig na ako ng mga tinig ng kalalakihan hanggang isa isa na ngang pumasok ang mga mala adonis na lalaki.

Pero nagulat ako dahil ang huling pumasok ay isang babaeng blonde ang buhok,Makapal ang mga kolorete sa mukha.

"Nay Yoli please prepare our lunch."sabi ni sir Zyair at binaba sa upuan si Zane na nilagay ang puppy sa kandungan.

Naupo na din ang nga bisita ni Sir at yung babae ay talagang tumabi pa kay sir Zyair.

Siniko ako ni Nay Yoli kaya nawala ang tingin ko sa babae at nilagay na ang mga pagkain sa mesa.

Napatingin naman sa akin ang dalawang lalaki na kulay abo ang mga mata at ang isa ay tsokolate.

"Oh who's this beautiful lady Zyair?"tanong ng lalaking kulay tsokolate ang mga mata kay sir.

"She's my son's nanny."maikling sagot ni sir Zyair dito.

"She's my momma tito."sabi naman ni Zane na nagpahalakhak sa apat na magkakaibagan kasama ang babae.

"Are you serious Zane honey?This ugly creature is your mother?"natatawang may halong pangungutyang sabi ng babae.

Napasimangot naman si Zane dahil sa sinabing iyon.

"Of course I'm serious clown."sabi ni Zane na nagpalaki ng mga mata ko dahil sa tinawag niya dito.

"Zane!"sigaw ni sir Zyair sa anak na hindi man lang natakot.

"What daddy?totoo naman po e, She looks clown because of her thick make up."kibit balikat na sabi ni Zane.

Natatawa naman ang apat na lalaki habang ang babae ay mukang uusok na ang ilong sa galit.

"Enough Zane, Please let us enjoy our lunch."wika ni sir Zyair.

Naging tahimik nga ang hapag matapos iyon sabihin ni sir at mukhang tuwang tuwa ang babae dahil sa sinabi ni sir.

Pagkatapos kumain ay agad na umalis sa hapag si Zane bitbit ang aso nito,naiiling nalang ang ama niya sa inasal ng bata.

Gusto ko mang sundan si Zane ay hindi pwede dahil kailangan ko pang tulungan sa hugasin si Nay Yoli.

Ang mga kaibigan ni sir at ang babae ay sabay sabay na pumunta sa sala at narinig ko nalang na nagkukuwen-
tuhan ang mga ito.

"Dude the nanny of Zane is so fucking sexy and Beautiful, I'm so proud na hindi mo yun pinatos."rinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ni Sir hindi ko lang alam kung sino.

"Shut up Ford, I don't like her nor attracted to her so shut the hell up."seryosong boses ni Sir naman ang narinig kong sagot niya dun sa lalaki.

"Woah,easy dude Ford is just teasing you"sabi naman ng isa pang boses ng lalaki.

Tsk lang ang narinig kong sagot ni sir dito.

Itutuloy.
❄️

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon