Christmas Special

16.8K 348 100
                                    

INAAYOS KO ang mga gamit namin para bukas, aalis kasi kami at doon ipagdiriwang ang pasko.

Napatingin ako sa aming bakuran nang marinig ko ang tili ng kambal, yun pala ay hinahabol na sila ng kuya nila.

Nang maiayos ko na ang lahat ay bumaba na din ako upang samahan ang apat sa baba.

"Zyair?" tawag ko sa aking asawa.

Lumingon naman agad ito sa akin at agad na lumapit, agad niyang ipinulupot ang mga braso sa aking bewang at nilagay ang baba sa aking balikat.

"Why, baby?" Bulong niya at nakikiliti pa ako sa nga balbas niyang papatubo na.

Sinabihan ko na siyang ahitin na iyon pero ang sabi niya ay ayaw niya daw dahil gusto niya daw ng bago.

"Zyair, nakikiliti ako." saad ko.

"Mimi!" magsasalita pa sana si Zyair ng makita na ako ng kambal.

"Careful." paalala ni Zyair sa mga ito.

Agad nila akong niyakap at talagang binaklas pa ni Chandler ang mga braso ni Zyair sa bewang ko kaya naman natawa nalang ako ng sumimangot si Zyair.

"Amin lang si Mimi, Didi!" natatawang sabi naman ni Chevy at binelatan pa ang ama na napapailing nalang.

Nakayakap sa magkabilang gilid ko ang kambal nang lumapit naman ang panganay sa amin.

"Momma..." tawag nito sa akin.

"Bakit?"

"I just want to paalam lang po if pwede na isama natin bukas yung friend ko po." sabi niya.

"Sinong kaibigan, anak?" tanong ko naman.

"Kung sasama siya sa atin, how 'bout his/her family?" tanong naman ni Zyair kaya napayuko ito.

"Kianna has no family, only her aunt is with her in life who unfortunately is hurting her." nakayukong sabi nito kaya naman nagulat ako.

"How do you about that, anak?"

"Kianna told me."

"Sige." Sabi ni Zyair kaya napaangat ang tingin ni Zane at may kung anong tuwa sa asul na mga mata nito.

"Talaga, dad!?"

"But, ipaalam muna sa tita ni Kianna. Kahit na sinabi mong sinasaktan iyon ay kailangang pa din ng permiso lalo na at ang tita niya nalang ang nangangalaga sa kaniya." sabi ng asawa ko.

"Thanks, Dad!" Masayang sabi ni Zane at yumakap pa talaga sa ama na siyang ikinatawa nito.

Kinabukasan nga ay inilalagay na ni Zyair ang mga bag namin sa loob ng Van habang binibihisan ko naman ang kambal, ayaw pa nga nila dahil mga big boy na nga daw sila pero shempre ipinilit ko pa din.

"Momma, how do i look?" napatingin ako sa may pintuan kung saan nakatayo ang gwapong gwapong si Zane.

Binata na talaga ang anak ko.

"Gwapo anak." nakangiting sabi ko kaya napangiti din ito at lumapit sa amin, ginulo niya ang mukha ni Chandler na siyang kinainis nito kaya naman nagulat kami ng kagatin niya ang kamay ng kuya niya.

"Chandler!" saway ko at dun lamang ito bumitaw sa pagkakagat sa kuya niya at nakayukong humarap sa akin.

"Lagot ka." sabi ni Chevy na talagang nilagay ang kamay sa harap ng mukha ng kakambal.

"Chandler, ano ang lagi kong sinasabi sa inyo?" mahinahon kong tanong sa batang nakayuko lang habang pinaglalaruan ang mga kamay.

"H-huwag mangangagat." sagot naman nito.

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon